Wednesday, October 12, 2011

No Other Woman - Recommended

Panoorin po natin


Cast:
Christine Reyes - Charmaine Escaler
Anne Curtis - Kara Zalderiaga
Derek Ramsey - Ram Escaler


Date  : October 20-26, 2011
Venue: Al Ghurair Center - Dubai, Al Mariah mall - Abu Dhabi
Date  : November 3-9, 2011
Venue: City Center - Doha Qatar



”Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher. Maaagawan ka, kaya lumaban ka!”
“Ipack-up mo na ang Lucy Torres mo, at ilabas mo na ang Gretchen Barretto mo! Ako ng bahala sa red stilettos mo”


You can call me anything you want: a snake, a bitch, an other woman. But I will never be a pathetic, boring housewife.

“Tsaka ano bang mahirap kalaban? Yung putang mahirap o yung putang mayaman?” ”Pareparehong puta lang yun!”

Isang istorya na nakapagbigay ng magandang payo para po sa lahat ng mga kababayan natin hindi lang po ang nasa ating bansa maging ang mga nasa ibayong dagat. Dito ay sumasalamin ang buhay ng mag-asawa na nagkakaroon ng problema sa kanilang pamilya sa larangan ng pag ibig.

Totoo na marami sa atin ang nakakagagawa ng ganitong pagkakamali na hindi natin inaasahan. Nagkakataon lang sabi nga nila pero kung iisipin po nating mabuti hinding hindi mangyayari ang mga iyan kung talagang buo at wagas ang pag mamahal po natin sa ating asawa at maging sa ating kasintahan.

Sa BuhayOFW marami sa atin ang nabubulag ng mga tukso at pagkakataon para lang maiangat ang ating buhay. Kung iisipin po natin mabuti marami na po sa atin ang nakakagawa ng ganitong pangyayari na nagiging dahilan kung bakit nasira at nagkawatak watak ang ating pamilya. Tatandaan po natin na tayong mga Ama ng Tahanan ang siyang nagapagtaguyod ng ating pamiya kaya hindi natin nais masira ito. Para naman sa mga Ina ng Tahanan na nasa labas ng bansa pilitin po nating maging matatag sa bawat pagsubok na atin pong hinaharap lalo na po kung nakakaranas po tayo ng ganitong pangyayari sa ating buhay. 


Naalala ko tuloy ang isang kaibigan ko sa Pilipinas na ganito ang istorya. Sa hindi inaasahang pagkakataon nalaman niya na ang kanyang asawa ay may ibang kinababaliwan na lalake. Sa kanyang pagmamasid nalaman niya na totoo ang kanyang hinala. Kaya ang pangyayari na hindi niya inaasahan sa kanilang pamilya ay kahindik-hindik. Napatay niya ang kanyang asawa dahil sa kanyang galit at selos hindi niya nakayanan ang sakit na nadadarama dahil sa pangyayari ito.

Ang totoong pangyayari nang aking kaibigan ay nagsilbing leksyon sa akin habang ako'y nabubuhay. Maraming tukso ang naglipana subalit kung ito po ay ating iiwasan ay hinding hindi po ito mangyayari sa ating pamilya. Marami na po ang broken family sana hindi na po ito madagdagan ng dahil lang sa mga tuksong lumalapit sa atin. Maging role model po tayo sa ating mga anak ng sa ganun lumaki po sila ng may takot sa Diyos at maging maayos ang kanilang pamumuhay simulan po natin sa ating mga sarili ng sa ganun ay makita po natin ang resulta sa mga darating na henerasyon.

Ang pelikulang ito ay akin pong sinama sa sulating BuhayOFW dahil totoo po itong pangyayari at nakakabigay payo po ito sa ating lahat. 



1 comment:

  1. Some of my friends are writing good reviews about this on Facebook. I get interested, too but I am not sure when to finally have time to see it. Pero for sure, panonoorin ko ito.

    Thank you for sharing :)

    Thank you rin pala sa trailer :)

    Maxi of:
    Ovah CoffeeThe Pastime ShelfSweNay.com

    ReplyDelete

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW