Tuesday, October 11, 2011

Kamalasan ng OFW

Minsan ang buhay natin ay nasa itaas minsan naman nasa ibaba. Kapag pinalasap sayo ng tadhana ang masarap na buhay wag mong kakalimutan na may hangganan at maaaring mawala ito sa isang idlap lang. Lagi natin iisipin na ang mga bagay na tinatamasa natin ngayon ay may katapusan. Karamihan sa atin nagpapakahirap para kumita ng pera at may maipadala sa ating mga mahal sa buhay.

Alam kong iniisip mo rin ang kahirapan at kalungkutan na dinadanas natin dito sa abroad palagay ko parehas lang tayo ng nararamdaman. Nakikita natin ang  totoong kalagayan ng pagiging OFW sa bawat sakripisyo na ating ginagawa.

Ang panahon na ginugugol natin sa labas ng bansa ay dapat natin pahalagahan. Narito tayo upang kumita ng pera at maging maganda ang buhay sa kabila ng kahirapan na ating dinadanas sa mga kasamahan at maging sa ating mga Amo.

Naalala ko tuloy ang isang kaibigan na nakasama ko sa maikling panahon. Isa siyang ordinaryong mang-gagawa na ang ginagawa ay pag wewelding. Hindi maganda ang kompanyang pinasukan niya dalawa hanggang tatlong buwan na hindi pinasahod at maging ang tirahan ay pinagkait sa kanya ng kanyang amo. Sa madaling salita minalas si kabayan.

Sa Kabila ng kanyang kamalasan naging matatag si kabayan dumadalaw sa akin para makipag kwentuhan at minsan inaabutan ko ng konting halaga para makaraos sa isang araw. Maraming kaibigan ang tumulong sa kanya subalit talagang malas si kabayan. Hindi binigay sa kanya ang swerte sa ibang bansa marahil ay talagang hindi para sa kanya ang abroad.

Nitong taong ito 2011 nakauwi din siya sa Pilipinas sa halos isang taon at walong buwan na mapapalagi dito ibang bansa. Kinulong at pinadeport siya ng kanyang amo dahil talagang malaki na problema na kanyang hinaharap. Nakakalungkot ang nangyari kay kabayan pero nagpapasalamat pa rin siya sapagkat nakabalik siya sa ating bansa kahit na walang perang dala basta makasama lang niya ang kanyang mahal sa buhay.

Kung tayo man ay binigyan ng magandang trabaho at kumikita ng malaking halaga ipagpasalamat po natin ito sa ating Diyos Ama na nasa langit. Lagi natin iisipin na tayo ang saksing buhay kung ano ang tunay na kalagayan ng mga BuhayOFW dito sa ibang bayan. Wag natin kakalimutan ang panalangin sa ating Diyos ito ang mabisang paraan para gabayan tayo sa ating mga ginagawa. Makapamuhay ng payapa at maging matiwasay ang bawat panahon na ginugugol natin dito sa abroad.

Salamat po ng marami sa inyong pagbasa sa ating munting istorya.....



1 comment:

  1. Maging matatag kang lagi at huwag makalimot sa aying DIYOS AMA..... MAbuhAy Ang BuhAy OFW...

    ReplyDelete

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW