Wednesday, September 7, 2011

Videoke sa Doha Qatar


Ang kasiyahang naganap nitong nakaraang Septembre 02, 2011 na Videoke Challenge sa Doha, Qatar ay talagang sinubaybayan ng inyong lingkod sa pamamagitan ng grupong Dugong Pinoy (UFV) na binubuo ng mga indibidual na volunteer dito sa Qatar. Isang hindi makakalimutan okasyon ang aming nasaksihan kasama ang bumubuo ng BuhayOFW–Abante Middle East na ginanap sa Horizon Manor Hotel.

Sa simula pa lang nang patimpalak ay sabik na sabik na ang karamihan sa magaganap na paligsahan na kinatatampukan  ng mga magagaling nating kababayan sa larangan ng pag awit. Mula sa napakaraming kalahok na sumali noon habang nagsisimula pa  lang ang kompetisyon sampu sa kanila ang natira at nakarating sa finals.

Hindi mapigilan ang tili at paghanga ng ating mga kababayan dahil lahat sila ay magagaling na performer sa harap ng entablado. Ang videoke challange na naganap ay isang paraan para pawiin ang mga lungkot at homesick ng ating mga kababayan. Ito rin ang nagpatibay sa relasyon ng bawat magkakaibigan upang kahit minsan ay maipakita ang suporta sa bawat kalahok na kanilang pinapaboran.

Sa pagtatapos ng laban ang nag wagi sa nasabing patimpalak ay walang iba kundi ang 14 na taong gulang na si Haina Uddin na mas kilala sa tawag na Yeng isa siyang estudyante sa Philippine International School of Doha. Pinahanga niya ang lahat sa kanyang pagbirit ng kantang “Listen” na isa sa pinaka mahirap kantahin ng mga kababaihan. Maging ang aking anak ay talaga naman gustong gusto ang kantang ito. Sa bawat pagbirit ng batang ito maririnig mo ang hiyawan at paghanga dahil sa galing ng kanyang pagkanta.

Ang videoke challenge na ito ay inorganisa ng grupong Dugong Pinoy(UFV) na pinamumunuan nina Jordy Jordache, Celia Jacob, Trebor Rabusa at Charles. Ang nag sponsor ng venue ay walang iba kundi ang tahanan ng mga Pinoy sa Doha ang Filipino Cultural Center (FCC) na pagmamayari ng aming butihing kaibigan na si Gng. Becky Tiwan. Kasama sa mga nagbigay ng sponsor ang sumusunod Western Union, Mediacom, Power Horse Energy Drink, Grand Mart at marami pang iba.

Ang grupo na kinabibilangan ng BuhayOFW at Certified Coffee Aficionados ay buo ang suporta sa Videoke Challenge kaya sa susunod na okasyon na nagpapasaya sa lahat ng mga kababayan nating OFW ay atin pong suportahan upang maipakita natin ang pagiging Dugong Pinoy na nanalantay at hinahangaan ng ibang nationalidad sa ating lahat.

Mabuhay ang Dugong Pinoy!



2 comments:

  1. Maraming salamat Alex Flores sa paggawa at pag share ng mga experience namin d2 bilang mga OFW sa Qatar. Kahit sa mga sandaling kasiyahan tulad ng Videoke Challenge ay magsisilbi itong isang napakagandang alaala...

    Mabuhay ang mga OFW!

    Mabuhay ang Filipino!

    ReplyDelete
  2. maraming salamat alex flores sa pag share ng aming mga experiences bilang mga OFW d2 sa Qatar, tulad ng panonood at pagsuporta sa videoke challenge. kahit sandali ay naiibsan ang aming kalungkutan.

    Mabuhay ang mga OFW!

    Mabuhay ang Filipino!

    ReplyDelete

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW