Habang pinapanood ko ang mga video nang bagyong dumating sa atin nitong nakaraang linggo ng septembre. Biglang sumagi sa isip ko noong panahon ng Ondoy na halos mabaon sa tubig ang lugar ng Taguig kung saan kami nakatira. Marami sa amin ang lubhang naapektuhan dahil sa taas ng baha.
Nitong huling linggo ng septembre ay dumating na naman ang isa sa napalakas na bagyo na kumitil sa halos 16 na katao at mahigit sa isang daang nawawala. Mahirap para sa amin mga OFW ang mga ganitong pangyayari sapagkat malayo kami sa aming mga mahal sa buhay. Ang mga balitang nakakarating sa amin ay lubhang nakakapag bigay sa amin ng alalahanin.
Maraming gusali ang napinsala at libo libo ang nawalan ng tahanan. Ilan sa kanila ay walang mahingan ng tulong sapagkat wala naman silang ibang mapupuntahan. Ano nga ba ang tugon ng gobyerno sa mga katulad nitong trahedya? Sana unahin ng ating gobyerno ang mga bagay na makakatulong para sa ating mga kababayang nasanlata. Higit na unahin sana ang mga kababayan natin nawalan ng tirahan at pagkakakitaan ng sa ganon ay muli silang makapag umpisa ng panibagong buhay.
Marami sa aming mga OFW ang lubhang naapektuhan ang mga pamilya. Kaya naman may iba sa amin ang hindi mapakali. Sana tulungan ng ating gobyerno ang mga OFW na lubhang naapektuhan ng bagyo. Ang bawat perang kinikita namin dito ay galing sa dugo at pawis na aming kinikita dito sa ibang bansa. Hindi naman lahat ng mga OFW ay ganun kalaki ang sinasahod ang iba sa amin ay walang ibang pinagkakakitaan at nakipag sapalaran lamang dahil sa hirap ng buhay ating bayan. Nais naming bumalik muli sa ating bayan subalit anu naman ang kahihinatnan kung wala pa rin pagbabago sa sistema at pamumuhay sa ating bayan. Mas lalong tumaas ang bilihin at mas lalong humirap ang buhay naming mga OFW sapagkat bumaba ang palitan ng dolyares na aming pinapadala sa aming mga mahal sa buhay. Gumawa po sana ng alternatibong mga pamamaraan upang matugunan ang hirap na dinadanas ng karamihan sa ating mga kababayan.
Ang boses namin mga OFW ay napakahina ng makinarya sapagkat malayo kami sa aming inang bayan. Marami bagay na po ang nabago subalit pahirap pa rin ang ilang sa mga sistema para sa aming mga OFW. Dagdag pasanin ang mga iba't ibang raket sa ahensya ng gobyerno kaya sana po ay malinis kung anu man ang may bahid na dungis sa mga nakaupo ngayon. Unahin po sana ng ating gobyerno ang pagbaba ng bilihin at pigilan ang pagtaas ng nito.
Ang bagyong Pedring na tumama sa atin ay isang mabigat na pagsubok muli sa ating inang bayan at sana maayos ang bagay ng napinsala at higit sa lahat matulungan ang mga kababayan nating naapektuhan.
Mula po sa panig ng mga OFW - BuhayOFW nag uulat
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW