Doha,
Qatar – Ang isa sa mga okasyon na inaabangan ng mga Pilipino dito sa parte ng
middle east ay ang Eid Mubarak. Ito ang araw na may mahabang bakasyon ang lahat
ng nagtatrabaho sa middle east. Madalas walang pasok ang mga kababayan nating OFW sa mga araw na ito at dito sinasamatala ang mahabang bakasyon para maka-kapag
relaks at maka-bonding sa bawat isa
Karamihan
sa mga kababayan natin OFW ay nagpaplano na pumupunta sa mga beach at magagandang lugar para
pansamantalang maalis ang lungkot at homesick na pagiging OFW. Sama sama at maramihan ika nga nila. Ang buhay ng mga OFW ay sadyang ganito lang kapag Ramadan.
Nitong
Agosto 30, 2011 ay sumama ang inyong lingkod sa isang grupo na papunta sa baybay dagat, Sealine beach kung tawagin sa ibabang parte ng Doha Qatar. Dito rin matatagpuan ang
ilang Oil Refinery ng bansang Qatar. Umalis kami ng bandang alas 830 ng gabi at
nakarating ng bandang 9:45 ng gabi. Ang kagandahan ng dagat sa babay ng Doha ay
aming ninamnam dahil ang bawat isa sa
amin ay sabik na maranasan na maligo sa dagat ng ibang bansa.
Habang
lumalim ang gabi ang karamihan sa amin ay nagkanya kanya ng gawa may ilan sa
amin ang gumuhit ng magkakaibang hugis ng buhangin at gumawa ng mga kastilo para
pansamantalang malibang. Ang iba naman ay tumutog ng gitara at kantahin ang mga makalumang tutuging pinoy. Ang BuhayOFW na aming nararanasan sa ngayon ay isa
lang yan sa hindi makakalimutang sandali at karanasan ng bawat OFW na nakikiapag sapalaran
sa ibayong dagat.
Karamihan
sa ating mga kababayan na nasa ibang panig ng mundo ay ganito rin ang ginagawa upang libangin ang mga sarili at kalimutan
ang mga problema na kanilang nararanasan
sa mga opisina at trabaho. Dito nila itinutuon pansamantala ang bakasyon upang sulitin ang
pagiging OFW sa ibang bansa.
Wag
lang nating kalimutan ang ibayong pag iingat lalo sa mga mapapanganib na lugar na ating pinupuntahan
upang maiwasan natin ang mga sakuna at panganib. Ang pag iingat po ang lagi
nating isa-isip dahil nagpunta po tayo sa ibayong dagat upang magtrabaho at may
maibigay sa ating mga pamilya na nag hihintay sa ating bansang Pilipinas.
Isang
masayang bakasyon po sa lahat ng BuhayOFW na nasa Gitnang Silangan.
salamat sau mr. alex flores kahit sa ganitong paraan napapaligaya mo kaming mga OFW dito sa qatar, salamat at patuloy naming susuportahan ang nasimulan mong ito..MABUHAY KA AT PAGPALAIN SA MABUBUTI MONG GAWA..INSHALLAH..
ReplyDelete