Ni Alex P. Flores
Nasubukan mo na bang magpadala ng package sa iyong mahal sa buhay lalo na sa mga kaarawaan at handaan?
Sa pagkakawalay natin sa kanila at matagal nating pagtatrabaho sa ibang bansa minsan dito nalang natin naipaparating ang pagbawi sa ating kakulangan. Kapag nakakakita tayo ng isang bagay na maaaring ipasalubong sa kanila kaagad nating binibili lalo na at alam nating magugustuhan nila.
Nakakapagbigay ito ng ngiti at saya sa kanila kapag nalaman nilang may dadating na package para sa kanila. Alam ko na nagawa at nadanas mo rin ang mga bagay na ito sapagkat parehas lamang tayo ng nararamdaman ang makaipon ng mga laruan at ilang gamit para sa kanila.
Nitong Agosto 28, 2011 kaarawan ng aking bunsong anak na si Alexandra sa kanyang murang edad ay dama na niya ang saya na magkaroon ng mga bagong laruan at kagamitan. Hindi magkamayaw ang aking anak sa package na naghihitay para sa kanya. Umalis ako ng bansa na halos hindi pa siya nag lalakad at ngayon ay makakapag laro na siya ng mga pasalubong ko para sa kanya. Nakakatuwa diba!
Sinamahan ko din iyon ng ilang kagamitan pang eskwela ng aking panganay na anak at ilang gamit sa bahay. Nakakatuwang isipin sapagkat hindi ko sukat akalain na ang ganitong bagay ay talagang nakakapagbigay sa kanila ng lubos na kasiyahan.
Hindi pa nakakarating sa kanila ang munting pasalubong na galing sa akin at sobrang excited na ang kanilang nadarama. Alam ba ninyo na imbis na intayin nila ang delivery ng package sa aming bahay ay sila pa mismo ang kumuha ng package sa opisina na pinadalhan ko. Ang maliit na bagay na ating ginawa ay isang paraan para makabawi tayo sa ating matagal ng pagkawalay sa kanila dahil alam natin na masaya sila kung anu man ang laman ng package na pinadala natin.
Ang pagdating ng package na nagmumula sa ating mga OFW na para sa ating mga mahal sa buhay ay isang paraan para ipaabot sa kanila ang ating regalo at pag-alala sa kanilang kaarawan o anu mang importanteng okasyon. Simpleng pamamaraan ang pagpapadala ng ganitong bagay subalit para sa kanila ay lubos ang kaligayahan na kanilang nadarama dahil may pasalubong na package na mula sa ibang bansa.
di ko pa natry magpadala ng package kasi mas gusto ko ung cash pero maybe this year i will try naman para maiba.
ReplyDeletenice post.
I think this is among the most vital information for me. And i am glad reading your article. But want to remark on some general things, The web site style is great, the articles is really great : D. Good job, cheers
ReplyDelete