Wednesday, August 24, 2011

Ang aking karanasan


BuhayOFW - Nakakatuwang iisipin na sa simpleng pagsusulat at pagbibigay ng impormasyon sa ating mga kababayan ay napasama ang inyong lingkod sa mga listahan ng mga binabasa at tinatangkilik ng publiko hindi lamang sa internet at maging sa babasahing dyaryo na katulad ng Abante Middle East.


Ang malaking hamon na hinaharap ng inyong lingkod sa larangan ng pagsusulat ay isa-isang ko na pong pinag aaralan upang maipagapatuloy ko ang ganitong pagtulong sa kapwa na hindi kailan man naghahanap ng anumang kapalit bagkus ang patuloy po na mga kwento at istoryang nailalathala ay buong puso ko po pinagpapasalamat sa lahat ng aking nakatulong sa pagbibigay ng impormasyon at balita sa inyong lahat. Ang inyong pagsupota at pagsubaybay ay isa na pong malaking kasiyahan sa inyong lingkod.

Nais kong pong palawakin ang aking adhikain at mga gawa upang sama sama po tayong magbigay ng ating mga istorya na nagmumula  po sa ating mga OFW upang kahit papaano ay mabigyan po natin sila ng mga payo at saway kung paano po ba ang tamang pamumuhay sa labas ng bansa.

Minsan pumasok sa aking isipan ang mga nakakulong natin mga kababayan na may iba't ibang kaso ng paglabag sa batas sa ibang bansa. Marami sa kanila ang nakagagawa ng mga maling gawain na hindi naman nila nais gawin ngunit nangyari sapagkat wala po silang kaalaman sa kanilang mga pinuntahan na mga bansa.

Kung inyo po sanang mamarapatin ay tumulong po tayo sa abot ng ating makakaya katulad na lang po iba't ibang kwento na nagmumula sa ating lahat ng mga BuhayOFW. Ang iba't ibang kadahilanan ay maaari po nating ibahagi sa pamamagitan ng ganitong klaseng pagbibigay ng impormasyon.

Mangyari po lamang na sumulat po kayo sa angbuhayofw@gmail.com upang maibahagi po natin sa ating mga kababayan ang istoryang kailangan po nilang malaman. Isang paanyaya sa lahat ng mg kababayan nating nasa ibang bansa na magbahagi ng kanilang karanasan sa pagiging BuhayOFW.

3 comments:

  1. Isang magandang bahagi ng pagbabasa ko ng mga blog, ay ang mga buhay na mga totoong nangyayari bilang isang OFW.

    salamat at akoy nakatuklas sa iyung mga sinusulat.

    good luck po.

    ReplyDelete
  2. good luck po sa inyo. simpleng propesyon ang iyong ginagawa subalit malakas naman ang impact nit sa mga OFW.

    mabuhay ka!

    ReplyDelete
  3. magandang magbasa ng tagalog. salamat

    ReplyDelete

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW