Friday, August 12, 2011

Birmingham London - OFW

Sa dalawang araw kong panonood ng balita patungkol sa anu ba talaga ang dahilan ng paghihimagsik ng mga tao sa Birmingham London - United Kingdom. Sa ngayon ay balitang balita ang mga masasamang pangyayari doon. Kaguluhan na kasangkot ang mga kabataan na gumagawa ng hindi magagandang gawain para manggulo.


Maraming di kanais nais na pangyayari katulad ng pagkasira ng mga establisimento, pagnanakaw, pagsusunog ng mga sasakyan, paninira ng mga bahay at pangkabuhayan. Mahigit sa isang daan na ang naiulat na naaresto na mga kabataan at may na iulat na namatay pa. Iba't ibang kuro kuro ang dahilan bakit sila nangugulo at iyan po ang patuloy na inaalam ng inyong lingkod.

Nalaman ko ang pangyayari dahil sa isang mensahe na mula sa aking kaibigan at batchmate na nakatira doon malapit sa pinangyayarihan ng gulo. Sinabi niya sa akin na 30mins drive lang at malapit na siya doon.

Ang nagaganap sa London na karahasan ay may mga kababayan tayong OFW na nagtatrabaho doon sa mga lugar na pinangyayarihan ng kaguluhan at may mga naulat na pong nasaktan doon at kasalukuyang nagpapagaling. Kaya naman nagpalabas na nang mensahe ang embassy ng Pilipinas mula doon na huwag magpupunta sa mga lugar na pinangyayarihan ng kaguluhan. Patuloy po tayong mag ingat sa ating paglalakbay diyan sa pinangyayarihan ng kaguluhan at umaasa po ang BuhayOFW na wala na sanang madagdagan na masaktang OFW diyan sa Birmingham London at maging maayos na po ang lahat. Sana gumawa na po ng agarang solusyon ang mga matataas na opisyal at maasyos na po ang hindi pagkakaunawaan.


Kung may nais po kayong iparatin gsa BuhayOFw mangyari po lamang na sumulat sa angbuhayofw@gmail.com.

Maraming salamat po

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW