Thursday, August 11, 2011

Ang pagkakasakit o Aksidente

Isang mapagpalang araw po sa lahat ng aking mga ka BuhayOFW, Nitong nakaraang biyernes araw ng Agosto 05, 2011, Dumalaw po ang inyong lingkod sa isang kaibigan na nasa pagamutan. Nayaya lamang po ako ng aking mga kaibigan sapagkat nais din po nila dumalaw.

Isa sa mga naging dahilan kung bakit ako napasama sa kanila dahil nais ko malaman ang damdamin ng isang OFW na nakaratay sa pagamutan na hindi nila kasama ang kanilang mahal sa buhay.

Nakakalungkot diba! Hindi natin maikakaila ang lungkot sa kanilang mga mukha dahil dama nila ang hinagpis na nakaratay sa pagamutan sa ibang bansa at walang ibang nag aasikaso sa kanila kundi ang mga butihing nurse at doktor.

Ang mga aksidente at pagkakasakit sa ibang bansa ay hindi natin maiiwasan bagkus hindi naman natin hawak ang ating kapalaran sa abroad kung anu ba talaga ang mangyayari sa atin dito. Makailang beses na ako nakabalita ng mga kaibigan nating naoospital dito sa ibang bansa ngunit ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na dumalaw sa kanila.

Sa aking pagdalaw agad kong kinamayan ang kaibigan nating nakaratay sa bed sheet daing ang nanakit na sugat na tinamo ng aksidente. Sa hindi inaasahang dahilan kung bakit siya naaksidente dala na rin siguro ng hindi pag iingat ng mga kasamahan niya kaya siya nakaratay sa higaan. Nakita ko ang tapang sa kanyang mukha dala na rin siguro ng kanyang lakas ng loob dahil nag iisa lang siya dito at walang kamag anak. Sinabihan lang din kasi ako na wala daw dumadalaw sa kanya kaya nag paunlak ako na puntahan siya kasama ang ilang kaibigan. Mahirap ang sitwasyon sa pagamutan dahil dadating sayo ang homesick at pag alala mga tanong sa isipan kung bakit pa kasi ako nag abroad at sisihin ang iyong sarili.

Ang pag iingat sa bawat ginagawa natin ang dapat nating laging isaisip sapagkat mahirap ang mamuhay sa abroad. Hindi natin maibabalik ang lahat sa isang idlap lang kaya doble pag iingat po ang dapat nating gawin. Kung maaari po maging maingat po tayo sa ating mga ginagawa nasa huli po ang pagsisi. 

Sa mga may nararamdaman sakit sa kanilang katawan wag po tayong mahihiyang magsalita sa ating mga employer sapagkat karapatan po natin na sabihin sa kanila kung may sakit tayong nararamdaman. Ipaliwanag natin ng maayos kung bakit tayo liliban sa ating trabaho para maipagamot ang ating mga nararamdaman. Hindi masama na ipaalam sa kanila ang ating tunay nararamdam dahil walang ibang tutulong sa atin kundi ang ating mga sarili. wag din po tayong papayag na hindi tayo bigyan ng medical insurance dahil bawat kumpanya ay nagbibigay ng medical card na magagamit natin sa pagamutan.

Isang paalala lang posa lahat ng ating mga kababayan

Kung may nais po kayong iparating sa BuhayOFW mangyari po sanang sumulat sa angbuhayofw@gmail.com

salamat po ng marami

1 comment:

  1. hiraP talagang mag-isa. OFW din ako kaya ang alam ko kung gaano kahirap pinagdadaanan ng mga pinoy dito lalo na ung nakaassign na field.

    ReplyDelete

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW