Wednesday, August 3, 2011

Janela Lelis - Estudyante ng Malinao Albay

Nakatawag sa aking pansin ang kabayanihan ng batang ito na kanyang iligtas ang bandila ng ating bansang Pilipinas sa paghagupit ng bagyong Juaning. Nakakabilib dahil sa kanyang murang edad nasa isip din niya ang ganitong kabayahinan.


Isang kahanga-hanga ang kanyang pinakita ang pagmamahal sa ating bandila. Kaya naman ang BuhayOFW ay sumasaludo sayo at sana marami pa ang gumawa ng ganyang pagpapahalaga sa ating Bandila.


Sa ating mga OFW nakita ko rin ito ng minsang magkaroon kami ng isang pag uusap-usap sa Dugong PINOY-UFV dito sa Qatar. Kung ano ba talaga ang tamang posisyon at kulay ng ating watawat ng pilipinas. Nalaman ko rin na bihira sa atin ang makapuna sa tamang posisyon ng ating bandila kapag ito ay nakapahalang ang posisyon at dito ko lang din napansin na marami pala sa ating mga kababayan ang nagpapahalaga kung gaano kahalaga sa kanila ang posisyon ng ating bandila.


Marami sa atin ang hindi natin nakakapansin sa tamang posisyon ng ating watawat dahil halos lahat naman sa atin kapag nakita na ang watawat ng Pilipinas na may asul, pula, dilaw, puti, araw at bituin ay iyan na ang bandila ng Pilipinas. Ang bawat disenyo na ginagawa ng mga kababayan natin na gumawa ng logo ng ating bandila ay dapat naaayon sa ating bandila dahil isa iyan sa ating trademark ng ating bandila.

Sa aking paglalakbay at pakikipag salamuha dito sa aking bansang aking pinuntahan ay tinama rin ang ilang lugar na may bandila ang Pilipinas katulad na lang sa ginawa ng aming kaibigan si Ma. Leonora Ilas na itinama niya ang bandila ng Pilipinas at personal pa niyang pinuntahan ito. Ang pag mamalaskit niya bilang isang ordinaryong tao ay kabayanihan na aking hinahangaan. Ang lahat ng mga taong nag asikaso ng pagtatama ng posisyon ng ating bandila sa iba't ibang panig na mundo ay atin pong pagtulungan dahil isa ito sa mga dapat naging maging ugali dahil tayo'y mga Pilipino. 

Ito ang ilan sa tamang posisyon ng ating Watawat ng Pilipinas

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW