Wednesday, April 20, 2011

Cable Wire sa Baterya

SALAMAT KAIBIGAN at kami ay iyong tinulungan! Yan ang bukang bibig ko ng kami ay tulungan ng isang namin kaibigan habang kami ay nasiraan sa kalsada sa hindi inaasahan pagkakataon. Ito ang ugaling dapat tularan dahil hindi ko inaasahan na nasa isang tawag lang ay agad kaming pupuntahan at tutulungan ng isang kaibigan dito sa isang lugar sa Bansang Qatar at ang ugaling ito ay dapat nating ipagmalaki at ipagkalat sa lahat dahil dapat pamarisan ng bawat isa sa atin. Nakakatuwa talaga ang nangyari dahil meron kaming kaibigan na sa kabila ng kagipitan ay walang sabisabi na pupuntahan kami para bigyan ng solusyon sa aming problema. Daladala niya ang Cable Wire para sa pag aayos ng baterya upang bigyan ng pansamantalang solusyon ang aming na diskargang Baterya. Nakakatuwa dahil sa Cable lang ang solusyon upang umandar muli ang aming sasakyan. Syempre isang malaking utang na loob ang ginawa mong iyan kaibigan para sa amin. Habang kami ay umaandar sa pangalawang pagkakaton ay muli na namang nadiskarga ang battery ng sasakyan kaya kahit nakakahiya tawagan ang kaibigan namin ay tinawagan kong muli para kami ay sagipin sa nakakakasar na sitwasyon at hindi kami napahiya dahil kami ay pinuntahang muli. Sa pangalawang pagkakataon ay pinahiram pa niya ang Cable Wire connector para kung sakaling hindi kami makarating sa aming pupuntahan ay may magagamit kami para ma-charge ang battery na nadiskarga. Bilib ako sayo Brother dahil isa ka sa mga taong dapat ipagmalaki dahil sa ginawang mong pagtulong na hindi naghahanap ng kapalit. Dahil diyan ay ipagkalat natin sa ibang Pilipino na dapat nagtutulungan ang bawat isa sa atin at hindi nagsisiraan o nagpapayabang. Isa ka sa mga huwaran na BuhayOFW salamat muli sayo Ginoong Jonathan Saluta sa iyong nagawang halimbawa at sana marami pa ang mga kababayan natin na ganyan ang pananaw sa buhay.



BuhayOFW salute for KINDNESS.......

Friday, April 15, 2011

Medical Mission sa Qatar

Nakakatuwang isipin na kahit sobrang pagod na sa trabaho ang mga kababayan nating volunteer na nasa Bansang Qatar ay naisipan pa rin nilang gumawa ng isang Medical at Dental Mission na ang layunin ay matulungan ang mga kababayan nating kailangan magpasuri sa kani-kanilang karamdaman at higit sa lahat para mapatunayan sa ibang nationalidad na iba ang Pilipino. Hindi naging hadlang ang ulan na nararanasan ngayon sa Bansang Qatar upang hindi matuloy ang nasabing proyekto. Sa kabila ng makulimlim na kalangitan at bahagyang pag ulan ay naroon pa rin sila upang bigyan serbisyo ang mga kababayan nating nais mag pagpagamot at hindi lang mga Pilipino ang naroon kundi iba pang Lahi. Katunayan lang po na ang mga Pilipino ay matulungin at magpagmahal sa kapwa. Ang Medical at Dental Mission ay pinangunahan mga sumusunod Philippine Nurses Association Qatar, Filipino Dentist and Dental Volunteer in Qatar, "Scout Royal Brotherhood" (Qatar Alumni Association), Philippine Association of Pharmacist in Qatar at sa lahat ng iba pa na bumubuo ng nasabing proyekto. Ang pagtulong sa kapwa ay isang napaka halagang bagay upang maging maganda ang iyong buhay kaya sa lahat ng mga bumubuo ng proyektong iyan saludo po ang BuhayOFW sa inyo.




Tuesday, April 5, 2011