SALAMAT KAIBIGAN at kami ay iyong tinulungan! Yan ang bukang bibig ko ng kami ay tulungan ng isang namin kaibigan habang kami ay nasiraan sa kalsada sa hindi inaasahan pagkakataon. Ito ang ugaling dapat tularan dahil hindi ko inaasahan na nasa isang tawag lang ay agad kaming pupuntahan at tutulungan ng isang kaibigan dito sa isang lugar sa Bansang Qatar at ang ugaling ito ay dapat nating ipagmalaki at ipagkalat sa lahat dahil dapat pamarisan ng bawat isa sa atin. Nakakatuwa talaga ang nangyari dahil meron kaming kaibigan na sa kabila ng kagipitan ay walang sabisabi na pupuntahan kami para bigyan ng solusyon sa aming problema. Daladala niya ang Cable Wire para sa pag aayos ng baterya upang bigyan ng pansamantalang solusyon ang aming na diskargang Baterya. Nakakatuwa dahil sa Cable lang ang solusyon upang umandar muli ang aming sasakyan. Syempre isang malaking utang na loob ang ginawa mong iyan kaibigan para sa amin. Habang kami ay umaandar sa pangalawang pagkakaton ay muli na namang nadiskarga ang battery ng sasakyan kaya kahit nakakahiya tawagan ang kaibigan namin ay tinawagan kong muli para kami ay sagipin sa nakakakasar na sitwasyon at hindi kami napahiya dahil kami ay pinuntahang muli. Sa pangalawang pagkakataon ay pinahiram pa niya ang Cable Wire connector para kung sakaling hindi kami makarating sa aming pupuntahan ay may magagamit kami para ma-charge ang battery na nadiskarga. Bilib ako sayo Brother dahil isa ka sa mga taong dapat ipagmalaki dahil sa ginawang mong pagtulong na hindi naghahanap ng kapalit. Dahil diyan ay ipagkalat natin sa ibang Pilipino na dapat nagtutulungan ang bawat isa sa atin at hindi nagsisiraan o nagpapayabang. Isa ka sa mga huwaran na BuhayOFW salamat muli sayo Ginoong Jonathan Saluta sa iyong nagawang halimbawa at sana marami pa ang mga kababayan natin na ganyan ang pananaw sa buhay.
BuhayOFW salute for KINDNESS.......
Salamat brad Alex sa pag post ng storyang ito sa makabuluhang site na ito. Tayong mga pinoy ofw ay likas na ang pagiging matulungin natin sa kapwa. Nawa ay maishare din natin sa iba ang mabubuting gawaing ito. Regards
ReplyDeleteSalamat sa iyong Komento Brother
ReplyDeleteAyun oh, extra pa ung picture ko
ReplyDelete