Friday, April 15, 2011

Medical Mission sa Qatar

Nakakatuwang isipin na kahit sobrang pagod na sa trabaho ang mga kababayan nating volunteer na nasa Bansang Qatar ay naisipan pa rin nilang gumawa ng isang Medical at Dental Mission na ang layunin ay matulungan ang mga kababayan nating kailangan magpasuri sa kani-kanilang karamdaman at higit sa lahat para mapatunayan sa ibang nationalidad na iba ang Pilipino. Hindi naging hadlang ang ulan na nararanasan ngayon sa Bansang Qatar upang hindi matuloy ang nasabing proyekto. Sa kabila ng makulimlim na kalangitan at bahagyang pag ulan ay naroon pa rin sila upang bigyan serbisyo ang mga kababayan nating nais mag pagpagamot at hindi lang mga Pilipino ang naroon kundi iba pang Lahi. Katunayan lang po na ang mga Pilipino ay matulungin at magpagmahal sa kapwa. Ang Medical at Dental Mission ay pinangunahan mga sumusunod Philippine Nurses Association Qatar, Filipino Dentist and Dental Volunteer in Qatar, "Scout Royal Brotherhood" (Qatar Alumni Association), Philippine Association of Pharmacist in Qatar at sa lahat ng iba pa na bumubuo ng nasabing proyekto. Ang pagtulong sa kapwa ay isang napaka halagang bagay upang maging maganda ang iyong buhay kaya sa lahat ng mga bumubuo ng proyektong iyan saludo po ang BuhayOFW sa inyo.




No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW