Monday, March 21, 2011

Balik na muli sa Normal ang Bahrain

Salamat at naging tahimik na muli ang Bansang Bahrain dahil balik sa normal na pamumuhay ang mga tao doon mukang narinig ang panalangin nating lahat na sana maging maayos ang magulong mundo ng Arab World. Balik na sa trabaho ang karamihan sa mga kumpanya na nagsara ng ilang araw dahil sa protesta na nangyari. Sana simula na ito ng katahimikan sa sentro ng Gulf Area lalo na ang  malapit sa Bansang Qatar dahil maraming Pilipino ang nasa bansang Qatar at isa na ako doon. Marami tayong mga OFW sa bansang Bahrain ang pansamantalang tumigil sa trabaho at ang ilan pa sa kanila ay nagkaroon ng problema sa bansang Bahrain. Sana maging maayos ang lahat ng Pilipino na nasa bansang ito dahil marami sa kanila ang umaasa at naghihintay sa Pilipinas. Salamat na lang at na solve na ang problema sa mga rebeldeng nag aklas sa bansang Bahrain. Long Live sa mga taga Bahrain at sana maging maayos ang trato ninyo sa mga kababayan namin nagtatrabaho diyan.


Ito po ang number ng embassy natin sa Bahrain - (+973 17721234, +973 17740951 at (+973 17721908)