Sunday, March 20, 2011

Ang Gulo sa Middle East

Ang gulo naman ng Middle East ngayon, Sa Libya sa Bahrain, at sa iba na merong pag aaklas. Sana naman walang madamay na kababayan nating Pilipino sa gulo ng mga Bansa nasasakupan ng Middle East. Karamihan sa mga kababayan nating naiipit sa magulong Digmaan na nangyayari ngayon sa Middle East ay pawang mga bagong salta lamang sa abroad, Karamihan sa kanila ay gumastos ng sadamakmal na pera para lamang maka alis ng bansa tapos iyon pa ang nangyari. Nakakalulungkot talaga isipin na bawat PILIPINONG nadadamay sa ganitong pangyayari ay maraming pamilya sa PILIPINAS ang nag alala at  nagugutom.  Bakit naman kasi kailangan pa nating umalis ng bansa upang makipagsapalaran kung kaya naman ng ating pamahalaan ang gumawa ng paraan upang maging tanyag tayo sa ibang bansa. Di ba maraming PILIPINO ang nasa ibang bansa Bakit nga BA? Dahil ang tingin nila sa ating mga PILIPINO ay matatalino at madiskarte sa lahat ng bagay. Kaya nga lahat ng bansa sa panig ng mundo ay hindi mawawalan ng kahit isang PILIPINO dahil kilala nila tayo. Sana naman maging tahimik na ang mga bansang nagkakaroon ng problema ng sa ganon ay patuloy na makapag trabaho ang mga kababayan nating naiipit sa kani-kanilang lugar. Kaya naman ipanalangin po natin silang lahat na sana maging maayos sila sa kanilang lugar at walang masamang mangyari. Ito lamang ang ating magagawa upang makatulong sa kanila sa panahon ng kagipitan.