Friday, March 18, 2011

Ang Pag aaral



Nakakatuwa naman isipin na natapos ng aking anak ang kanyang pag-aaral sa kinder garden sa taong ito na maraming nakuhang trophy at medal na mula sa kanyang sa pag aaral sa kinder garden. Kahit wala ako ay pinatunayan niya na kaya niyang makipag sabayan sa mga mas may edad na kaklase niya sa kanyang paaralan kaya naman natutuwa ako kahit na malayo sa piling nila ay napagpatuloy niya ng maayos ang kanyang pag aaral. Lahat naman siguro tayo ay natutuwa kapag ang anak natin ay nakakagawa ng ganyang aktibidad. Alam ko na hangad ng bawat magulang ang mapagtapos ng pag aaral ang kanilang anak upang makakuha ng magandang kinabukasan. Hindi naman mai-aalis sa ating mga magulang ang gumawa ng paraan upang maibigay natin sa kanila ang kanilang kailangan. Sa bawat araw na lumilipas dito sa bansang Qatar na hindi ko nakikita ang aking mag iina kahit litrato ang lagi kong nakikita sa kanila ay sobrang natutuwa na ako dahil alam ko na masaya sila at laging nasa mabuting kalagayan. Mahal ko ang aking pamilya gaya ng pagmamahal ko sa aking sarili at hindi ko magagawa na ang pabayaan ang aking mga mahal sa buhay at hindi ko din sila maaaring isang tabi dahil kaya nga tayo nagtatrabaho sa ibang bansa upang maibigay sa kanila ang magandang kinabukasan. Ipinagmamalaki ko ang aking pamilya kahit hindi man kami magkakasama ay pamamalaki kong sasabihin na Mahal na mahal ko kayo........


Love you Mama Mona My ate AJ at ang bunsong kong anak na si Alexandra......

God Bless our Family always