To All OFWs --- BEWARE !!!
by: DONZ (quoted from Ellen Tordesillas' Blog)
for details PLEASE visit www.ellentordesillas.com
anna de brux Says:
Friends,
I just received a disturbing e-mail below.
“Another “MODUS OPERANDI” ng mga kurakot sa ating bayan?”
Below is the contents of an e-mail circulating concerning the padded fees that OFWs have to pay (other than what they are obliged to pay already) which is apparently required by immigration officials before an already-documented OFW is allowed to leave the country.
I think the allegations are worth a minitious check… We all know that OFWs are aleady the milking cows of various government agencies, fees for this and that document, processing of papers, etc., etc., that they should be milked all the way, and illegaly at that (as alleged in the e-mail) is downright disgusting. I think we owe it to these modern-day heroes who are slaving for the country to dig into the matter so that authorities may act accordingly in case the allegations are true.
***********************
Subject: ANG KAKAPAL NG MUKHA (PLS….FORWARD)
Mga Kababayan!
Alam nyo ba ang bagong “MODUS OPERANDI” ng mga kurakot sa ating bayan, nakakahiya mang isipin ngunit totoo.
Sa bawat kababayan natin na umaalis patungong Dubai, may bagong patakaran at yan ay “SUPPORTING PESOS” kung tawagin, bukod sa mga papeles na hinihingi ng isang immigration officer, kapag ika’y magtutungo sa bayan ng Middle East partikular sa Dubai, may isang documento silang hinihingi at kapag sa palagay nilang ikaw ay bibigay, io-off load ka nila sa anong dahilan “KAKULANGAN SA PAPELES” ika nila pero sa iyong pagkaka-alam at ng taong nag-visit visa sa iyo ay tama ang papeles na ‘AUTHENTICATED BY THE EMBASSY OF THE PHILIPPINES, ABU DHABI”, sasabihin nila na di ka makaaalis, hihingan ka nila ng sinasabi nilang mga papers na kailangan pa tulad ng ‘AFFIDAVIT OF SUPPORT’ ng sponsor mo, eh! itong mga Immigration officer ay napaka-tanga din, makahihingi ka ba ng affidavit na hinihingi nila kung ang visa mo ay from a company siguro naman di kaila na ang “COMPANY SPONSORED” on visit visa ay di makahihingi ng ganon sa dahilang di pipirma ang may-ari ng kumpanya at di basta-basta na mahihingi ito sa isang kumapanya lalo na’t malaking kumpanya ang pinang-galingan ng visa mo.
Kapag nag-inquire ka sa Embassy sa Abu Dhabi sasabihin nila na wala silang advise from Philippine Government na may bagong hinihingi, tama sila dahil kapag nagpa-authentivate ka ng papel mo, chini-check nila ito at kung hindi kumpleto di nila ito gagawin. Ang di ko maintindihan bakit ang Immigration sa ating bansa ay humihingi ng ganito ngunit di alam ng Embassy sa Abu Dhabi, ang gulo di ba.
O sige para maliwanagan ka sasabihin ko sa inyo kung ano ang papeles na hinihingi nila hindi ito isang papeles dahil nakaraming pages…mabilang mo kaya ang bundle ng 1,000 or 500 peso bill na may halagang 6,000 pesos at nakapaloob sa isang puting envelope, oo, tama ka yan ang tinatawag na “SUPPORTING PESOS”, nakaka-alarma di bah! biro mo ang dami nun para ma-check so ang gagawin nila ganito, i-detalye ko hah!:
1. pagpunta mo ng Manila airport, kumpleto ang papeles mo at alam mong o.k., not to mention authenticated yan ng Embassy sa Abu Dhabi
2. Pag-check in mo sa airport natin, may mga taong naka-abang at naka-radyo (alam mo na kung ano yon) tapos iche-check nila ang visa mo, di o.k. may original ka.
3. Pagdating mo sa airline counter, they will check your ticket and passport and they would ask for your visa copy or original, napakita mo na tapos pasok ka na sa Immigration para matatakan ng “EXIT” stamp ang pasaporte mo.
4. Eto na ang ikagugulat mo, che-chekin nila passport mo along with your documents at original visa, di meron ka non tapos yung AUTHENTICATED documents mo o.k. din, eto na may hihingin silang certain document na alam nila wala sa mga papeles mo, tapos alam mo susunod, sasabihin sa iyo na kausapin mo yung Immigration Supervisor, papupuntahin ka nila sa office nila at doon, doon mangyayari ang transaction; bale kahit anong paliwanag at maka-awa mo, umiyak ka man ng dugo, maghubad ka man, igigiit nila na di ka makakaalis at alam mo ba bakit! kahit na kumpleto ang papeles mo di ka pa rin aalis bakit kamo dahil sabi nga ng Immigration Supervisor na ito na may kulang; ano yon? eto magugulat ka na lang dahil tatatakan ang boarding pass mo na “OFF LOAD” di symepre MEGA gulat ka at yung iba iiyak pa, pero pag-labas mo may bubulong sa iyo sasabihin ano, eto “MAY 6,000 NA BOND” tanong mo para saan, eh! san pa di yan ang “SUPPORTING PESOS” kung tawagin, makaaalis ka lang kung may 6,000 pesos ka na kailangan mong ilagay sa white envelope and the next time you go, kailangan dala mo ang white envelope na may lamang 6,000 pesos at eto pa ang sistema, may mage-escort sa iyo at bubulongan ka na kailangan pumunta ka sa opisina at iiwan mo ang boarding pass mo kasabay nito ang white envelope na kapatong ng boarding pass mo at sasabihin mo na lalabas ka lang dahil may nakalimutan ka at pagbalik mo ‘WA NA WHITE ENVELOPE” syempre di naman nag-magic yon kundi naitabi na at babalik ka at pipila ulit at itong KURAKOT na Immigration Officer ay kunwari pagagalitan ka pero panay naman ang tatak sa passport mo. Ayan o.k. na makakaalis ka na.
Di ba’t nakapanlulumong isipin na bukod sa tayo ng mga OFW ang tumutulong sa ating ekonomiya ay tayo pa ang nade-denggoy, hindi tama ito at marami na ang nabiktima, sino pa kaya ang susunod, alin pa kayang bansa ang susunod, sana matigil na. Isang paki-usap lang mga kababayan ko, wag kayong matakot na isuplong or mag-sumbong dahil tama ang ginagawa mo dapat mong kalusin ang mga gobyernong tiwali lalo na ang mga KURAKOT sa gobyerno.
Ito pa isang babala, kapag balak mong i-visit visa ang kamag-anak mo, sabihin mo na tandaan nya ang pangalan ng isang babae na may “BULONG”, sya ang bubulong sa iyo at mage-escort sa iyo, itsura nya eto, “MALIIT NA MEDYO MAHABA ANG BUHOK, MAY KATABAAN” At tandaan mo ang pangalan ng Immigration Officer, isa na dito si ‘JUSAY WINNEFREDO” May reklamo ng nakahain sa kanila ngunit kailangan pa ng iba pang katibayan para madiin sila, kung sa palagay mo isa ka sa na-denggoy nila, bakit di mosubukan na gumawa ng reklamo, oo, kailangan nila ng written at kopya ng passport mo, at huwag kang matakot dahil ina-assure ko sa iyo na di kamadadawit dahil magiging HIGHLY CONFIDENTIAL ang reklamo mo.
Sinubukan na rin namin na ipaalam ito sa Mission X ngunit kailangan nila ng isang malakas ang loob na mag-reklamo at pumunta sa kanilang opisina ngunit syempre di natin magagawa yon sa dahilang nandito na ang taong nabiktima, pero sa paglantad mo, matutulungan mo ang kapwa natin kababayan, hindi tayo nagpunta sa lugar na ito at mawalay sa ting mga minamahal para bigyan sila ng pinag-hirapan natin, napaka-daling negosyo ang ginagawa nila and to what expense, syempre from the POCKET OF OVERSEAS FILIPINO WORKERS” Ganon din sa ating Embassy, kailangan nila ng letter of complaint para makastigo itong mga GAGONG OPISYAL NG GOBYERNO.
Huwag kang magtaka kung minsan mabiktima ka rin nila.
KAYA MGA KABABAYAN KO, MAGTULUNGAN TAYO PARA MASUGPO ANG MGA ASONG ULOL SA GOBYERNO, ANG HILING KO IKALAT NYO ANG E-MAIL NA ITO SA LAHAT NG TAONG KILALA NYO HINDI LANG DITO SA U.A.E. KUNDI SA MISMONG BANSA NATIN “PILIPINAS”.
Maaasahan ba kita?
Nagmmamalasakit,
KABABAYAN MO!
DEMPZ’23
------------------------------
florry Says:
Kababayan Mo,
Totoong lahat ang binanngit mo . Kase last year pabalik na ako dito may lumapit sa akin na mga limang ofw at maluha=luha sila dahil ayaw silang palabasin pa dahil daw na kulang pa ang mga papeles nila. Kaya sila lumapit saakin akala nila ofw rin ako na nagtataka sila bakit tuloy-tuloy akong naka-exit.Wala ng tanong - tanong sa akin. Very Complete naman daw ang mga papeles nila. Puzzle nga ako bakit ayaw pa nilang pa -exit itong mga ofw na ito. Now alam ko na.
Thanks to you! Dapat talagang magkaroon tayo ng pagmamalasakit sa bawa’t isa.
------------------------------
"labanan natin ang corruption at huwag pahintulutan ang ganitong mga kababuyan saan man natin ito nararanasan !!!"
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW