Sunday, January 23, 2011

PAUWI NA


LYRICS:

Ako'y pauwi na sa ating bayan

Lupang sinisinta, bayang sinilangan

Ako'y nananabik na ika'y masilayan

Pagkat malaon din akong nawalay

Sa ating inang bayan

Ang aking dala-dala'y

“Sang maleta ng karanasan

Bitbit ko sa ‘king balikat

Ang binuno sa ibang bayan

Hawak ko sa ‘king kamay

Ang pag-asang inaasam

Na sana'y matupad na rin ang pangarap

Na magandang kinabukasan

Bayan ko ako'y pauwi na

Ako'y sabik na ika'y makasama

Bayan ko ako ay nariyan na

Ating pagsaluhan…

Ang pag-asang dala-dala

Ako'y pauwi na sa aming tahanan

Sa mahal kong asawa, mga anak at kaibigan

Ako'y nananabik na kayo ay mahagkan

Pagkat tunay ang pangungulila

Dito sa ibang bayan

Ang aking dala-dala'y

‘Sang maleta ng pagmamahal

Bitbit ko sa ‘king balikat

Ang pangakong matibay

Hawak ko sa ‘king kamay

Ang pag-asang inaasam

Na sana'y matupad na rin ang pangarap

Na magandang kinabukasan

Mahal ko ako'y pauwi na

Ako'y sabik na kayo ay makasama

Mahal ko ako ay nariyan na

Ating pagsaluhan ang pag-asang dala-dala



Mensahe:


Isang magandang kanta mula kay Noel Cabangon para sa mga OFW na katulad natin.. Kaya Suportahan po natin ang kantang ito na handog para sa atin.....