Friday, January 7, 2011

Paolo Norcio - Manuel Flores


Isang malungkot na balita ang nakita ko habang nag surf ako sa Facebook, Na isa pa lang OFW na kasama namin dito sa Qatar ang nagkaroon ng malubhang aksidente sa kanya habang siya ay nag tratrabaho sa isang Fastfood chain dito sa Doha, Qatar. Nakakalulungkot isipin na hindi niya akalain na magiging peligro pala ang pagpunta niya rito ibang bansa. Hindi ko lubos maisip na bakit ko naisipang ilathala sa aking BuhayOFW Kolum ang kanyang istorya marahil dala na rin siguro ng paghanga ko sa mga kababayan nating tumutulong para sa ikakabuti ni Paolo at isa na diyan ang magiting natin reporter na mula sa Peninsula ang naglathala ng artikulo na ito. Kahahanga hanga ang kaniyang ginawa sapagkat mula sa sa kanyang istorya ay nagawa niyang tulungan ang ating kababayan na alam naman natin na nagpunta tayo dito sa abroad para mag trabaho. Nais ko rin sanang makita si Paolo kung saan man siya rito sa Qatar dahil talagang humanga ako sa taong tumulong sa kanya dito. Marahil sa pamamagitan lamang ng pagsusulat kong ito ay makapag bigay ako ng impormasyon mula sa hanay ng OFW sa buong mundo na basta Pilipino kailangan ang pagtutulungan sa bawat isa. Salamat kay Manuel Flores sapagkat pinayagan niya akong isulat ang Storya ni Paolo sa BuhayOFW....




Chris V. Panganiban

Isa sa mga kaibigan nating gumawa ng Drive for a Cause ay mula hanay ng Power Horse at United Pilipino Motor and Motorcycle group.

Sa mga Community Group na Sumama upang makalikom ng pondo

at
Marami pang iba



No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW