Friday, August 21, 2015

Balik bayan box issue - Hindi kami mayaman

Nakakagulat ang lumabas na balita na pati ba naman mga balik bayan boxes ay kailangan buksan at tignan kung ano ang laman nito. Ang nakakaasar pa kailangan pa daw patawan ng TAX kung ito ay hihigit sa 22,000pesos na halaga. Nakakalungkot dahil marami sa mga OFW ay doon lamang idinadaan upang mapasaya ang mga mahal nila sa buhay. Nagpapadala ng mga pasalubong na hindi kayang bilhin sa Pilipinas dahil sa mahal na presyo ay mayroon pang TAX para sa gobyerno.

Nakakatawa lang kung sino man ang may pakana nito dahil ipinapakita lang niya na masyadong gahaman sa pera. Excuse me po hindi mayaman ang mga OFW para patawan pa ng TAX ang mga pinamiling pasalubong. Kung ako po sa inyo ay magtrabaho kayo ng maayos upang makahuli kayo ng mga big time syndicate na nakakalusot sa inyo dahil doon mas malaki pang TAX ang makukuha ninyo.

Wag na ninyo pag interesan ang maliliit na padala ng mga OFW ay ito ay nagmula pa sa dugo at pawis namin na nagtrabaho ng marangal sa ibang bansa. Mahiya naman kayo dahil hindi nga kayo nakakatulong sa amin mas lalo pa ninyo pinapahirapan kaming mga OFW.

Ipaglaban natin ang ating karapatan at wag tayong basta na nalang papayag sa ganitong sistema na ipinaiiral ng Custom ng Pilipinas. Ipamuka natin sa kanila ang kanilang proyekto ay hindi para sa kabutihan nating mga OFW kundi isa itong pabigat na pasanin.

BuhayOFW qatar


No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW