Friday, August 15, 2014

Duct Installer sa MIddle East

Noong nakaraang araw may nakausap akong isang kaibigan na nagtatrabaho bilang isang installer. Ang kanyang trabaho ay nag install sa mga pipe line sa gitna ng kalsada. Akala ko noon na ang duct installer ay madali lamang ngunit sa kanyang pagsasalita doon ko nalaman ng hindi pala ganun kadali ang maging isang duct installer.

Mabigat, mainit at delikado ang kanyang trabaho dahil sa ilallim siya ng kalsada nag iinstall ng mga tubo upang maikabit ang mga tubo sa kalsada. Lubhang mapanganib ang ganung trabaho ngunit hindi niya ininda.

Tinanong ko siya kung paano siya nakarating sa middle east at tinanggap ang sweldong halos mababa pa sa  minimum wage sa Pilipinas. 

Sinagot niya ako na malungkot ang tinig.nang ganito

"Wala naman kasing makuhang trabaho sa atin kaya tinanggap ko na ang offer ng isang agency na bumisita sa aming probinsya"  "High school graduate lang ako at hindi na nakapag aral dahil sa hirap ng buhay sa atin"

Ang kanyang pagsagot ang nagbigay sa akin ng dahilan kung bakit ko naisulat ito. May mga agency pala tayo sa Pilipinas na nagpupunta sa mga probinsya upang makahikayat na makapag abroad sa mababang sweldo. Doon ko naisip na may mga agency pala na nagbbibigay ng ganun offer sa mga kababayan natin. 

Sa gitna ng init ng araw dito sa Middle East ay hindi ka makakatagal kung mahina ang iyong resistensya. Kailangan mong maging matatag lalo kung sa initan ka naka assign. Halos 10 oras siya nag tatrabaho at kumikita lang siya ng 1,000 riyals dahil wala naman silang overtime. Minsan pa nga daw  delay ang kanilang sweldo na umaabot sa 2 buwan. 

Tinanong ko siya kung bakit siya nakatagal sa ganung sitwasyon.at ito ang kanyang sagot!

"Kailangan ko magkaroon ng experience para sa susunod ay makapag apply ako ng mas mataas ang sweldo" "Try ang try until you succeed sabi nga nila diba"

Sa kanyang salita ay nagkaroon ako ng pagkakataon na bigyan nang magandang payo ang katulad nitong may pangarap sa buhay. Pinalakas ko ang kanyang loob upang hindi maging malungkot lalo na sa ganung sitwasyon. Nagkaroon ako ng pagkakataon yayain siyang lumabas upang makapaglibot para hindi naman siya mahomesick sa kuadradong silid.

Alam natin na maraming mga agency sa Pilipinas na nanamantala sa mga kababayan natin hindi ko naman nilalahat dahil may mga kakilala din naman akong mag agency na binigyan nila nag pagkakataon ang mga kababayan natin na makarating sa ibang bansa at maganda ang naging kinabukasan.

May mga ilang agency lang ang nanghihikayat sa mga kababayan nating walang alam sa BuhayOFW na kahit ikapahamak pa nila ay hindi nila sinasabi kumita lang sila ng pera. Marami akong mga kaibigan na naloko din ng mga agency. Kaya mag iingat po tayo palagi at siguraduhin na lihitimo ang mga agency na inyong inaaplayan.

Abangan po ninyo ang kanyang mga kwento sa susunod naming pag uusap!
Mula po sa Middle east ang inyong likod BuhayOFW






No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW