Sunday, August 17, 2014

Delay ang Sweldo ni Buhay OFW

Naranasanan mo na rin bang madelay ang sweldo?

Kung ang sagot mo ay OO marahil isa ka nga sa mga OFW na malaking ang problema. Isa kasi ito sa kinakatakutan ng mga OFW dahil malaking epekto ito sa kanilang pamilya. Naaalala ko pa nga dati na marami sa mga kaibigan ko ang nakaranas ng ganitong sitwasyon. Ang ilan sa kanila ay umuwi na ng Pilipinas ay hindi na tinangka pang umalis muli ng bansa.

Sa ilang taon kong pamamalagi at paglilibot dito sa abroad ay nakakasalamuha ako ng kapwa ko OFW doon nila nababanggit minsan na kailangan nila ng pera dahil nga sa delay ang kanilang sweldo. Nakakagulat nga minsan ang kanilang kwento dahil umaaabot sa 3 hanggang 5 buwan ang pagkadelay. Ang malupit pa minsan ang balitang magsasara ang kanilang kumpanya at wala silang makukuhang kahit na ano maliban sa kanilang air ticket.

Sa mga ganitong sitwasyon na nalalaman natin kailangan natin ng maagap na pagtungon. Ano ba ang maaari nating gawin kung sakaling delay ang ating mga sweldo.

  1. Kailangan natin itong paghandaan, kung alam nating delay na ng isang buwan ang ating mga sweldo ay magkaroon ng pagbubudget sa ating mga pera.
  2. Wag ng maging maluho sa pagbili ng mga bagay na materyal at hindi naman kailangan sa buhay.
  3. Ipaalam agad sa ating mga mahal sa buhay ang totoong sitwasyon na nararanasan natin upang aware sila na hindi gumastos ng gumastos.
  4. Subukan maghanap ng alternatibong paraan upang magkahanap ng dagdag na pagkukunan ng pera. Halimbawa na ang mamulot ng lata, bakal, at katulad nito upang may magamit sa pang araw araw.
  5. Lumapit sa mga kaibigan at sa kinauukulan (POLO, OWWA at embassy) upang magkaroon ng solusyon sa pagkadelay ng inyong sweldo.
Ilan lamang yan sa mga paraan upang maagapan natin ang pagkakaproblema sa pagkadelay ng atin mga sweldo. Hindi natin kailangan mahiya sa ating mga kamag anak at kakilala dahil ganito talaga ang BUHAYOFW minsan swerte at mas marami ang malas dahil sa mga katulad ng ganitong karanasan.

Sabi nga nila diba tayo ang bayani ng henerasyon pero paano kung isa ka nakakaranas ng ganito. Pwede ka bang tawaging "Bayani" sa tingin ko malabong kang maging bayani dahil bigo tayo sa ating pangarap.

Sana ay maaayos ang kalagayan ng mga OFW na hindi sumasahod ng tama sa kanilang mga kumpanya. Always pray nalang po tayo dahil walang imposible sa kanya kung tayo ay dadalangin at hihingi ng tulong

More power BuhayOFW ang God Bless sa ating lahat.







1 comment:

  1. https://www.facebook.com/photo.php?v=678744178889219

    ReplyDelete

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW