Tuesday, January 22, 2013

Pinay ni-rape sa India

Bihar India 

Isa na namang Pilipina ang pinagsamantalahan sa ibang bansa. Ayon sa hindi pinangalangang biktima nakilala niya ang isang businessman na Indiano sa isang online chatting.  

Ayon sa biktima niyaya siyang magpunta ng Bihar India upang sila ay magkita noong Dec. 29 sa patna India. Dinala siya sa isang hotel at doon pinagsamantalahan ng Indiano. Takot na takot ang Pilipina dahil wala siyang kakilala doon kaya naging tahimik na lamang siya upang hindi makagawa ng iskandalo.

Nang makakuha ng pagkakataon dali dali siyang nagsumbong sa pulisya upang ireport ang pangyayari gamit ang email. Madali namang nahuli ang suspect dahil sa IP address na ginamit ng suspect. 

Kinasuhan ang 21 na anyos business man na Indiano ng rape at panloloko.