Doha Qatar - Marami sa katulad kong OFW ang homesick kapag sumasapit ang buwan ng Disyembre dahil karamihan sa amin malayo sa piling ng aming mga mahal sa buhay. Kapag ganitong buwan kasi maraming selebrasyon na memory ang na miss ng isang OFW.
Nakukuntento na lang sa linya gamit ang internet para masilayan ang kasiyahan nagaganap doon sa Pilipinas. Nakakalungkot dahil isang taon o dalawang taong kontrata ang palaging napipirmahan ng isang OFW upang makapag trabaho sa ibang bansa.
Ito na lamang ang tanging paraan upang masilayan sila. Nakakalungkot talaga!
Isa ako sa mga nakaranas muli nito sapagkat ang bakasyon ko ay hindi nataon nitong buwan ng Disyembre. Nakakalungkot subalit kailangang tiisin natin para na rin sa ikakabuti ng ating pamilya. Sama sama kami ng aking mga katrabaho sa aming munting handa para salubungin ang bagong taon. Kahit paano ay naghanda kami ng aming makakain para salubungin ito
Sabi nga nila hindi naman natin kailangan nang magarbong handa para lang salubungin ang bagong taon sa ibang bansa. Ang kailangan natin ay maging masaya kahit paano, minsan nga naisip ko bakit kailangan natin ipakita sa kanila na marangya at masaya ang buhay natin sa abroad. Sa dami ng nakasalamuha kong OFW dito pa lamang sa Qatar marami sa kanila tinatago ang hirap na dinadanas sa kanilang employer. Totoo po yun dahil saksi ako sa mga employer na hindi nagbibigay ng tamang pagtrato sa kanilang mga trabahador.
Ipinagpapasalamat ko na lang dahil kahit paano ay hindi ko naranasan ang kalupitan ng mga employer dito sa Qatar. Naaawa lang ako sa mga naging kaibigan ko na naranasan nila ang maling pagtrato sa kanila ng kanilang employer. Kaya sana sa mga kamag-anak ng aking mga kaibigan sana maunawaan po ninyo ang kanilang kalagayan.
Hindi po mayaman ang mga nasa abroad, tinatago lang nila ang tunay na kalungkutan upang hindi po kayo mag alala sa kanila. Sana ay maunawaan po ninyo ang kalagayan nila......
Hanggang sa susunod taon muli 2013-2014
Happy New Year sa iyo Kabayan. Good luck at God bless sa patuloy mong pakikibaka sa bayan ng Qatar. Nawa ay matupad mo ang lahat ng iyong mithiin sa buhay:-)
ReplyDelete