Maraming kababayan natin ang nagnanais na makarating ng ibang bansa upang magkaroon ng magandang trabaho at malaking kinikita. Alam kong maraming tanong sa ating isipan kung bakit kailangan nating maglabas ng pera para pambayad sa mga Placement Fee at iba pang bayarin bilang isang OFW.
Narito ang ilang detalye upang malaman natin kung bakit nga ba kailangan ng Placement Fee.
- Agency - Ang pang hihingi ng ilang mga agency para pang placement fee ay nakasaad sa batas upang magbigyan ng proteksyon ang isang OFW na nais magtrabaho sa labas ng bansa. Dito rin kinukuha insurance ng isang manggagawang pinoy na nagkaroon ng problema sa kanyang bansang pinuntahan.
- Ngunit hindi kailangan maglabas ng malaking halaga para lamang bayaran ang agency upang makapag abroad ang isang manggagawang pinoy.
- Ang mga agency sa Pilipinas ay pinapayagang kumolekta ng isang buwang sahod ng isang OFW na kanyang pinaalis. Ayon sa kanyang buwanang sahod.
- Magbibigay lamang ang isang aplikante ng kanyang Placement Fee kung dumating na ang kanyang Visa at Kontrata upang ito ay pirmahan, kalahati lamang ang kanyang babayaran at hindi kailangan madaliin sa pagbabayad dahil yan ay labag sa batas.
- Ang mga aplikante na seaman ay hindi kailangan magbayad ng Placement Fee at ito ay ayon sa batas. Ang sinumang agency na nangongolekta ng Placement Fee ay kailangan iparating sa POEA para sa kaukulang hakbang.
Ano pa ba ang kailangan ng isang OFW upang makarating ng ibang bansa.
- Passport
- NBI/ Police Clearance
- Medical Certificate
- Birth Certificate (Authenticate)
Maging matalino sa pagpili ng trabaho dahil marami sa mga kababayan natin ang nagpupunta sa ibang bansa subalit problema ang nangyari. Wag basta basta tatanggap ng trabaho ng hindi nag cross checking sa kanyang pinipirmahang kontrata at maging ang magiging trabaho.
Alamin ang mga detalye ng papasukang kompanya upang makasiguro sa pupuntahang bansa at kompanya. Maraming mga employer ang nagpapaasa ng magandang trabaho sa mga manggagawang pinoy subalit kapag nakarating na sa bansang pupuntahan ay problema ang kinasapitan.
Alamin agad ang kontak impormasyon sa Philippine Embassy o POLO OWWA Administration sa bansang iyong pupuntahan upang makasiguro sa iyong kaligtasan.
Ilan lang po yan sa mga impormasyon na aking nakuha upang makasiguro tayo sa ating pag alis papuntang ibang bansa.
Ang inyong lingkod
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW