Thursday, March 3, 2011

Isang Pasasalamat sa ating Amang Nasa Langit

Happy Birthday
Alex

Isang pasasalamat sa dakilang lumikha na binigyan niya ako ng isang taong sagana para sa aking pamilya. Hindi ko naman magagawa ang lahat ng bagay kundi sa tulong at patnubay ng ating Amang nasa langit. Hindi ko din maipagmamalaki sa aking sarili ang mga bagay na nagawa sa ngayon kundi sa tulong niya kaya naman ibinibalik ko pa rin ang kapurihan sa ating Amang nasa Langit. Salamat sa mga kaibigan ko na naka alala ng aking kaarawan sa lahat ng pag bati at pagmamahal ninyo maraming salamat po. Lalong na sa aking asawa na mula pa kahapon ay panay ang bati dahil na mimiss na daw nila ang Papa Alex nila.

Sa bawat panahon na hindi ko kapiling ang aking pamilya dahil nasa malayong lugar ako isa lang ang masasabi ko sa inyo Mahal na mahal ko kayo kaya ako nag titiis dito para sa inyo at para sa kinabukasan ng ating pamilya. Sa aking mga kapatid na bagama't malayo ako sa inyong piling salamat sa inyo dahil palagi ninyo akong kinakamusta kahit sa cellphone lang ang ating pagitan......

Maligayang kaarawan kapatid na Alex P. Flores ----- Ako yun nohhhh