Thursday, February 24, 2011

Panalangin ng OFW

Ama na aming Diyos 

Maraming salamat po sa mga biyayang pinagkakaloob po ninyo sa amin sa araw-araw. Nagpapasalamat din po kami ng marami sa bawat araw na lumipas na kami po ay iyong ginabayan. Hinihiling po namin na lagi po ninyo kaming alalayan sa mga taong masasama at ilayo po ninyo kami sa mga kapahamakan na nangyayari sa ibabaw ng mundo. Palagi po sana ninyong gabayan ang aming mga mahal sa buhay na malayo sa aming piling. Mula sa aming Lolo, Lola, Tatay, Nanay, mga kapatid, Asawa't mga Anak, at lahat po ng aming myembro ng Pamilya patuloy po sana ninyong silang bigyan ng malulusog na katawan at ilayo sa lahat ng kapahamakan. Sila lang po ang aming mga inspirasyon upang magawa po namin ang aming mga pangarap sa buhay.

Ipinapanalangin din po namin sa inyo na gabayan ang lahat ng mga kababayan naming naiipit sa kanilang lugar tulad na lang po sa Middle East, Asia, Europe, at sa lahat po ng panig ng mundo na kinabibilangan po naming OFW. Sana matapos na po ang pag-kakagulo sa mga lugar na kinabibilangan po namin. Patuloy po sana ninyo kaming bigyan ng lakas upang malabanan po namin ang mga pagsubok sa buhay. Basbasan po sana ninyo ang aming bansang PILIPINAS na maging maganda ang Ekonomiya at maging ang aming pamahalaan upang makabalik po kami sa aming bansang sinilangan. Sana po magkaroon kami ng paraan upang maging maayos ang aming bansang PILIPINAS.

Patawarin po ninyo ang aming mga pagkakasala kung kami man po ang nakagawa ng kasalanan na labag sa iyong mga utos. Nangangako po kaming lahat na magbabagong buhay at iiwasan po namin ang mga maling gawain upang maging karapatdapat sa inyong harapan. Gagampanan po namin ng maayos ang aming gawain inyong pangalan.

Ang lahat ng ito ay hinihiling po namin sa pangalan ni JESUS........

AMEN 


No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW