Konbawa |
Ng sinimulan ko gawin ang kwento ni Kaye ay may isang kaibigan ang sumulat agad sa akin upang idadag sa kwento ng buhay sa Japan. Tawagin na lang natin siyang si Maiko ayon sa kwento niya sa akin marami pa rin daw sa mga pilipina doon na nag tratrabaho sa japan bilang Entertainer kahit na may asawat anak na sinabi niya sa akin na hindi lahat ng may asawang Hapon ay mayaman. Mahirap daw ang buhay may asawa sa JAPAN kasi iba ang kultura at paniniwala doon. Isa sa binanggit niya sa akin ay ang paniniwala ng Nihonjin(Lalaki) kapag my asawa na sila tapos na ang obligasyon mo sa pamilya pero likas pa rin sa ating mga Pilipino ang hindi kalimutan ang pagtulong sa pamilya. Binanggit din niya sa liham niya na ang mga Nihonjin(Lalaki) daw kapag asawa mo na sila kailangang sumunod ka sa lahat ng gusto niyang ipagawa dahil siya daw po ang HARI ng tahanan dahil sila daw po ang nag tratrabaho sa bahay! Marami daw siya nabalitaan na binubugbog pa daw ng mga Nihonjin(Lalaki) ang kanilang asawa dahil sa hindi pag sunod sa kanila. May sinabi pa siya sa akin na likas daw sa mga Nihonjin(Lalaki) kapag namimili sila ang taga bitbit ng pinamili kasi daw nakakahiya daw sa mga Nihonjin(Lalaki) ang ganun na sitwasyon. Sinabi niya rin sa akin na dapat ikaw ang mag control ng iyong pamilya at ituro mo sa magiging asawa mo ang kultura ng PILIPINO para magkaintindihan kayo at sa bandang huli happy family diba ito lang masasabi ni Maiko sa atin “walang masama sa pagiging entertainer,,,nasa tao yan,, nasa tao kung mapapariwara siya... ako kahit may asawat - anak minsan NAGBABAITO pa rin me,,, at d same time nagwowork me as bedmaking sa isang sauna/capsule d2" yan ang sinabi niya sa akin na nais kong iparating sa mga kababayan. maraming salamat sayo at nakapagbigay ka ng isang kwento sa amin! Mabuhay ka at pagpalain nawa ang lahat ng iyong pamilya.
http://buhayofw2010-2015.blogspot.com/2010/07/kwento-sa-japan.html?spref=fb
http://buhayofw2010-2015.blogspot.com/2010/07/kwento-sa-japan.html?spref=fb
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW