Bakasyon ng mga OFW
Isa sa mga inaalala ng mga OFW ay ang oras at araw na nasa quarantine sila habang nakabakasyon. karamihan kasi sa mga OFW ay may 1 to 2 months na bakasyon lamang sa Pilipinas. Kaya napapaisip ang mga OFW kung sila ba ay babalik pa o mag for good na sa Pilipinas.
Napakahirap lalo na sa mga maliliit lang ang sahod dito sa ibang bansa. Kung iisipin natin ang isang ordinaryong OFW na may sahod na 400-500$ sa isang buwan ay mapapaisip kung magbabakasyon pa ba sila sa Pilipinas o hindi na muling babalik dahil sa mga dagdag na gastusin kung ikaw ay mag quarantine pa sa mga facilities na provided ng Gobyerno.
May mga ilang OFW ang nabalita na sila pa mismo ang gumastos ng kanilang quarantine facility. Ito ay binunyag ni Senator Sotto na may ilang OFW ang gumagastos pa ng 10,000 pesos kada araw para lamang sa Hotel Quarantine at 2,000 pesos para naman sa Sasakyan na inaarkila para ihatid lang mula sa airport papuntang hotel quarantine. Napakalaking gastusin ito kung tutuusin para isang ordinaryong OFW kung totoo man po ito.
Marami ng mga OFW ang fully vaccinated na ng kanilang mga bansang pinaglilingkuran kaya hiling ng lahat na mga OFW na alisin o bawasan ang quarantine days sa mga OFW. Ang tanging hiling ng mga OFW na fully vaccinated na kapag na test sila mula sa kanilang pagdating na negative ay makauwi agad sila sa kanilang mga lugar.
Alam naman natin na hindi pa tapos ang laban sa Covid19 pero sana gumawa ng paraan ang pamahalaan na matuldukan na ang dagdag na gastos ng mga OFW lalo sa mga araw nang pag stay nila sa quarantine.
Alam ko na kung isa ka din na OFW ay iniisip mo ang ganito dahil isa iyon sa mga iniisip ng mga maraming OFW sa ibang bansa.
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW