Mainit din itong pinagtatalunan maging ng mga netizens dahil ang ilan ang sang ayon at ilan din naman ang hindi sang ayon. Subukan natin himayin ang ilan sa detalye upang mas lalong malinaw kung ano nga ba ang pinaka mainam na solusyon.
9-12 years old
Sa ganitong edad nasasangkot ang mga kabataan na gala sa kalsada. nakikita natin silang namamalimos o gumagamit ng pinagbabawal na gamot (rugby boys). Marami din akong nakita sa kalsada na sa ganitong edad ay nasasangkot sa bentahan ng droga (shabu). Sa edad din na ito karamihan nagiging mapusok ang kabataan na gawin ang mga bagay na gusto nilang gawin.
13-14 years old
Sa edad na ito nasasangkot karamihan sa away at gulo. Minsan nagkakaroon na ng lakas ng loob pumatay at maging magnakaw. Dito din nagsisimulang nasasangkot ang kabataan sa rape at iba pang masamang gawain. Kaya sa edad na ito kailangan na magabayan ang kabataan upang hindi pa lumala ang kanilang pagiging mapusok sa lipunan.
15-18 years old
Sa edad na ito ang may malawak nang pag iisip ang isang kabataan. Kung makakagawa siya ng krimen sa edad na ito ay hindi na biro dahil nasa tamang pag iisip na ang isang kabataan. Kaya dito dapat simulan ang edad na kung saan kailangan na niyang pagdusahan ang nagawa niyang krimen.
Ano nga ba ang pwede maitulong ng ahensya na gobyerno upang maiwasan ang ang lumalalang krimen na sangkot ang kabataan.
- Bigyan ang magandang programa sa edukasyon.
- Magkaroon ng mga aktibidad ukol sa sport at sining.
- Magkaroon ng monthly activity sa church na kanilang kinabibilangan.
- Magkaroon ng Curfew sa buong bansa.
- Bigyan ng magandang trabaho ang kanilang mga magulang upang magabayan.
- Magkaroon ng ahensya sa gobyerno na tututok sa mga kabataan upang maiwasan ang maling gawain.
- Magkaroon ng programa ukol sa kabataan.
Maraming paraan para magabayan natin ang ating kabataan. Subalit ito ay nawawalang saysay dahil sa mga problemang nangyayari sa kanilang buhay. Kung tayong mga magulang ang dapat na unang magturo sa ating mga anak na tamang gawain. Sigurado tayo na lalaki ang ating mga anak sa tamang pamumuhay.
Juvenile Justice and Welfare Act must amend
Ang BuhayOFW
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW