Thursday, September 14, 2017

Kadamay - Batas Militar MarcosDuterte Poster


Ano nga ba ang pinaglalaban ng mga kadamay?

Sa aking pag kakaalala, sila lang naman ang grupo na umukopa ng isang pabahay ng gobyerno sa Bulacan. Sinabi nilang sila ay mahihirap at walang kakayahan bumili ng sariling bahay. Naalala ko pa nga sa bait ng Pangulo ng bansa ibinigay sa kanila ang mga bahay na kanilang sapilitang inukopahan. Sinabi ng pangulo na mahihirap ang mga taong yan kaya pabayaan na lang natin. Nakakalungkot lang dahil sa kabila ng pagbibigay sa kanila ng pabahay ganito pa ang kanilang igaganti sa pangulo ng bansa.

Kaming mga OFW kailangan kumayod para lang magkaroon ng sariling bahay. Hindi kami nagrereklamo kahit na pagod na aming mga katawan sa pagtatrabaho. Ang kumita ng pera sa ibang bansa ay hindi naman ganun kadali. Minsan nga ay hirap ang mga OFW, dugo at pawis ang puhunan para lang kumita ng pera. Minsan nga ay napapasama pa sa kanilang mga employer at ang iba naman ay hindi pinapasweldo. Ilan lang yan sa mga sakripisyo ng isang OFW.


Nang makita ko ang page na ito ay parang may gusto silang palabasin, gusto nilang labanan ang gobyerno. Masakit sa mata ang kanilang ginagawa dahil nag aalala kami sa kaligtasan ng aming ma mahal sa buhay. Para sa akin or siguro karamihan sa aming mga OFW ay pabor kung magkakaroon muli ng batas militar sa buong Pilipinas. Takot kami para sa kaligtasan nang aming mga mahal sa buhay. Maraming mga masasamang tao ang nalipanan sa daan at hindi natin iyon makokontrol dahil pinapasama nila ang imahen ng lipunan.

Kung magkakaroon man ng batas militar sa buong bansa siguro alam ko naman na hindi gagawa ang pangulo ng bansa na ikapapahamak ng karamihan. Yung mga taong kontra lang sa pangulo ang alam kong gagawa ng masama. Takot sila dahil alam nilang maaapektuhan ang kanilang mga gawain.

For the sake of all Pilipino, hindi natin kailangan ipakita sa buong mundo na watak watak tayo. Kailangan natin magtulungan para sa ikauunlad ng bansa at hindi sa ikakasama ng karamihan. Sana magkaroon na nang tunay na kapayapaan sa bansa natin. Sa aming mga OFW nais naming maging panatag ang aming isipin para sa kaligtasan ng aming mga pamilya.

Kaya sa mga taong nasa likod ng KADAMAY mag isip naman kayo at hindo puro kayo batikos sa gobyerno. Wala na nga kayong naitutulong sa bansa puro pa kayo pasaway. Magtrabaho kayo para hindi kayo umasa sa gobyerno.



No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW