Source: Philippine All-Stars
Manila Philippines - Marami na ngayong napapatay na mga drug pusher, drug addict at mga supplier ng droga. Ito na ba ang tamang pagkakataon para malinis ang ating bansa tungkol sa drugs. Kabi- kabila ang hulihan at raid sa mga kuta ng sindikato. Kung ating pong babalikan ang nakaraang adminstrasyon bakit hindi po ito nasupil noong nakaupo pa ang mga ito. Hinintay pa ba nila ang bagong Presidente na magpatupad ng ganitong hakbang o sadyang hindi nila hinuli ang mga sindikato dahil may alam sila dito.
Nakakalungkot isipin na sa sa loob ng anim na taong pamumuno ni Presidente Nonoy Aquino at mga alipores niya ay hindi nasugpo ang droga na buong bansa pala ang apektado. Ngayon nga ay nabansagan tayong SHABU Capital of the world. Nakakainis isipin na wala man lang ginawang aksyon ang nakaraang paumunuan ng gobyerno ukol dito.
Tama nga si Presidente Duterte na talamak ang droga sa ating bansa at ito ang kumikitil ng buhay sa mga mamamayan. Kaya tama lang ang kanyang unang plano na linisin ito at alisin ang mga taong nagproprotekta sa mga ito. Kamakailan lang ay tinukoy niya ang mga general nang pulisya na sangkot sa droga. Sa pagkakataong ito ay naglabasan na ang mga pulis na sangkot din sa droga. Sa susunod na mga araw ay papangalanan na rin ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa Illegal drugs. Mula sa mayor ng mga lalawigan hanggang sa mga opisyales ng gobyerno na sangkot sa drugs ay kanyang isisiwalat.
May mga ilang personalidad naman ang kumikwesyon sa pagpatay sa mga drug pusher at drug addict na lumaban sa kapulisan. Isa na diyan ang bagong senadora na Leila De Lima at Lito Atienza na dating mayor ng Maynila. Ayon sa kanila nilabag ng mga pulis ang due process of law o karapatang pangtao ng mga hinihinilang drug pusher. Ayon sa kanila ay kailangan pa ding dumaan sa prosesong legal ang mga ito.
Maraming mga mamamayan ang natuwa at mayroon din hindi nasiyahan. Karamihan sa mga napatay ay maliliit na mamayan lamang pero ang mga big time drug lords ay hindi pa din nasusugpo. Sana magkaroon ng batas lalo na sa mga banyaga na sangkot dito ay mahatulan ng mabigat na parusa upang hindi na muling makagawa ng ganitong klaseng operasyon.
Alam natin na sinisikap ng kapulisan at ng bagong gobyerno sa pamumuno ng ating Presidente Duterte masugpo ang droga at kriminalidad sa ating bansa. Umaasa tayong muling aangat ang ating bansa sa kahirapan at magkaroon ng magandang buhay ang bawat mamamayan. Sana ay patuloy na magkaroon ng kapayapaan at katahimikan ang ating bansa upang ang mga OFW ay kampanteng nakakapag trabaho ng maayos sa ibang bansa para sa kanilang mga mahal sa buhay.
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW