Friday, June 24, 2016

Respeto sa hanay ng PNP ibabalik ni incoming Chief PNP Ronald ''Bato'' Dela Rosa

Photo Source: http://www.rappler.com/nation
Respeto sa hanay ng mga pulis ibabalik ni incoming Chief PNP Ronald ''Bato'' Dela Rosa. Ayon sa kanya nais niyang ibalik ang tiwala ng mamamayan sa tulad niyang pulis bilang tagapag bantay at pag sasa ayos ng lipunan.
Ayon sa kanya minsan lang maging PNP Chief at ito ang dahilan kung bakit niya gustong linisin ang pangalan ng mga pulis. Ayon pa sa kanya gagawin niya ang lahat upang masugpo ang kriminalidad at droga sa lahat ng sulok ng bansa. 
Ipapahuli niya ang mga taong sangkot sa lahat illegal na gawain at nangakong irerespeto niya ang mga ito. Tayong lahat ay umaasa na maibabalik ang katahimikan at kaayusan sa bawat sulok ng bansa ayon pa sa kanya.
Ngunit marami pa rin sa mga mamamayan ang nagtaas ng kilay kung matutupad ba talaga ng PNP Chief ang lahat ng kanyang ipinangako.
-BuhayOFW-