Marami sa ating ang mga Pilipino ay nangangarap makarating sa ibang bansa. Maraming parangap na gusto nating matupad. Marami din parangap na hindi naman talaga natupad.
Simula pagkabata pa lang pangarap ko na ang makapunta ng ibang bansa. Lagi ko pa nga sinasabi dati na balang araw ay makakarating din ako sa ibang bansa. Mapupuntahan ko ang gusto ko puntahan dahil may pangarap ako.
Tatlo kaming magkakapatid, Si ate na nag asawa agad ng hindi muna niya natulungan ang aming mga magulang na kahit papaano ay guminhawa naman ang buhay. Ako na nag iisang lalake na simula't sapul pa lang ay puro na trabaho. Imagine 3 years old palang ako marunong na akong magsukli sa mga pinagbentahan ko ng itlog sa palengke. Ang huli naman naming kapatid na bunso ay nag asawa agad ng maaga.
Ang istoryang ito ay isang kathang isip lamang ngunit kung inyo pong susundan at babasahin ay inyo pong magugustuhan .
Halina at sundan po natin ang kwentong bumabalot sa buhay ni Chinito ang lalakeng walang pahinga na isang OFW sa Middle East.
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW