Wednesday, July 23, 2014

BuhayOFW Choice Lyca Gairanod

Doha - Qatar 

Nakakatuwa panoorin ang labanan ng mga bulilit sa The Voice Kids Philippines. Isa kami sa mga umaabang ng kanilang laban dahil natutuwa kami sa kanilang mga performance. May mga kanya kanya kaming mga manok kung sino ba talaga sa kanila ang mananalo.

Nagpagawa ako sa aking kaibigan ng kanyang poster para maipakita ang suporta sa kanya. Noong nasa blind audition pala kasi siya ay humanga na ako sa kanya hindi lang dahil kanyang kantta kundi sa determinasyon niyang manalo sa laban.

Natutuwa rin ako dahil hindi nahiya ang kanyang mga magulang na kahit mahirap sila ay buong ang kanila suporta kay Lyca. Marahil ay nangutang pa sila para lang makasali sa nasabing blind audition. 

Noong time na pinanood ko ang kanyang kanta na "Dance with my father" tagalog version ay mas lalo akong humanga hindi sa kanyang pag awit kundi sa kanyang makapanindig balahibong performance.

Noong time na tinatawag na siya at kasama siya sa top 4 ay tuwa ang naramdaman ko. Hindi ko maintidihan kung bakit isa ako sa mga milyong tao na natuwa nung tinawag siya bilang top 4. Sana lang ay palarin siyang manalo sa patimpalak na The Voice Kids Philippines at magtuloy tuloy ang kanyang guesting para mas lalo siyang makatulong sa kanyang mga magulang at mga kapatid.


Ang lahat ng naging top 4 ay totoong magagaling mula sa 2nd choice kong si Darren, 3rd choice kong si Juan Karlos at maging ang 4th choice kong si The Girl on fire na si Darlene.

Lahat kayo ay totoong magagaling na performer at malayo ang mararating kaya keep it up guys and don't forget ang mga 10 key to be successful person.