BuhayOFW - Muli na naman tayong dinaanan ng malakas na bagyo na kasing lakas ni Milenyo noong 2006 sa Manila. Alam natin lahat kung gaano kalakas ang mga bagyong dumadaan sa atin kaya sa mga katulad nating mga OFW ay hindi mawawala ang pag alala sa kanila sa Pilipinas.
Makailang ulit na akong tumawag at message sa kanila subalit ang hirap makakontak dahil na rin siguro sa lakas ng bagyo. Nabalitaan din natin na nawalan pa ng supply ng kuryente sa ilang lugar kaya mas lalong napakahirap makakuha ng mensahe sa kanila.
Tinamaan ng malakas ng bagyo ang bayan ng legaspi sa Albay dahil dito unang lumagpak ang bagyo. Marami ang nasirang ari arian ayon na rin sa mga balita. Nakataas ang signal number 3 sa mga lugar kalapit nito at apektado din ang ilang parte ng Pilipinas.
Kinakabahan ang mga nasa metro manila dahil kasama sila sa mga maapektuhan. Kaya nagbabala ang gobyerno na kailangan lumikas ang ilang mga naka red alert na lugar na malapit sa dagat dahil na rin sa pangambang magkaroon ng storm surge or daluyong ng bagyo.
Alamin natin ang balita mula sa I am ready GMA news TV "SONA" ni Ms. Jessica Soho at Nataniel Cuz
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW