Wednesday, April 10, 2013

Philippines Economic Grow 2012

Ang ekonomiya ng ating bansa ay lumalakas ayon sa mga business sector at ayon na rin sa ating pangulo na si Noynoy Aquino. Maraming investor ang muling nagtitiwala sa ating bansa. Ito na kaya ang simula ng ating pagbabago sa mga nanunungkulan sa ating gobyerno.



Simula na kaya ito ng paglago lalo ng ating turismo at pagtaas ng ating antas sa buong mundo. Marami mga dayuhan ang bumibisita sa ating bansa dahil isa tayo sa pinaka hospitable at madaling kausap sa mga turista. Ang ating mga magagandang tanawin at mga yamang dagat ang isa sa palagi nilang binibisita. Kaya naman dapat natin itong alagaan at lalo pang pag yamanin.

Kung ang ating gobyerno ay magpopondong muli ng sariling pagkakakitaan kagaya ng sariling paliparan katulad ng mga mayayamang bansa. Malaki ang maiitutulong nito sa paglago ng ating ekonomiya.

Ayon sa ulat malaki ang pinagbago ng ating bansa at lalo pa itong magiging malakas kung magiging magaan ang buhay ng bawat Pilipino. Tulungan natin lalo pang lumakas ang ating ekonomiya dahil tayo rin naman ang makikinabang dito.

Looking forward Philippines to the next level.