Nalaman ng buong mundo na si Lolong ay namatay nitong nakaraang Febrero 10, 2013 sa ganap na 8:00 ng gabi na isa sa pinakamalaking crocodille sa buong bundo. Marami ang nagulat sa biglaang pagkamatay na isa sa maituturing nating kayamanan. Sayang naman dahil kung buhay pa siya lalong makikilala ang ang ating bansa.
Alam kong isa ka rin sa nagtatanong kung bakit nga ba siya namatay ng ganun lang kaaga at nasa pangangalaga pa ng ating ahensya ng gobyerno. Samantalang nabuhay siya halos 50 taon sa Bunawan Agusan del sur na wala namang naging problema. Nakakapanghinayang talaga!
Ano nga ba ang kahalagahan ni Lolong sa atin ng bansa, noong nabubuhay pa siya pinag aagawan siya ng dalawang ahensya ng gobyerno kung kanino nga ba dapat siya mapunta para alagaan siguro dahil sa marami ang magkakainterest na dalawin siya "tourist spot" ika nga.
Mas lalong nakilala ang bayan ng Bunawan Agusan del sur dahil sa kanya, kaya nga nais ng kanilang mayor na si Elorde na manatili sa kanila para maalagaan ito dahil doon sanay si Lolong.
Farewell Lolong.....
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW