Saturday, December 22, 2012

Sinambirot ni Joel



Doha Qatar

Kahapon natikman ko ang luto ng isa sa aking kasamahan dito sa trabaho. Pinangalanan niyang "SINAMBIROT" ang kanyang puntahe. Sa totoo lang ngayon ko lang natikman ang lutong ito na gawa ng isng cebuano.

Masarap ang luto na ito, Isda ang rekado Tuna macarel na may halong gulay hinaluan na manamis namis na lasa. Habang kami ay sabay sabay na kumakain ng hapunan iyon dahil may kanya kanya naman kaming puntahe hindi nawala ang aming tawanan dahil siguro sa bagong putahe na aming narinig. Alam naman natin  na ang mga OFW ay "Patsam" kung magluto na ibig sabihin tsambahan lang kung anong lasa ang magiging kalalabasan.

Natapos na kami kumain ay iyon pa rin ang laman ng aming usapan at hanggang sa facebook ay aming pinag usapan.

Ano na naman kaya ang susunod kong maipopost na bagong putahe sa aking pandinig.

Abangan na lang natin.......