Thursday, March 31, 2011

VP Binay nasa Qatar

Nasaksihan ng mga kasamahan ko sa BalitangQ ang pagbisita ni Vice President Binay sa aming embahada sa Qatar. Kaya naman nakakatuwang makita ang mga kaibigan at kakampi natin sa BalitangQ na kinober ang event na ito para sa susunod na Airing ng BalitangQ. Ang pagbisita ng ating mahal na Bise Presidente sa Bansang Qatar ay nangangahulugan na maraming trabaho ang naghihintay sa mga kababayan nating Pilipino na nag nanais makapunta sa Bansang Qatar. Ayon din po sa balita nais din ng Hari ng Qatar na Bisitahin ang ating Bansa para naman sa usaping pang ekonomiya na makakatulong sa ating bansang Pilipinas. Isang masaya at mapayapang pagsalubong ang nasaksihan ng ating mga kababayan ang pagdating ng ating Bise Presidente. Kasamang dumating ng ating Bise Presidente sina Senador Francisco Tatad at anak niyang si Mayor Jun Jun Binay ng Makati. Ang mga Bumubuo ng BalitangQ na kumober sa pagdating ng ating mahal na Bise Presidente ay sina Ms. Ley Pascual at Mr. Antonio Magtanggol. 

By: Alex P. Flores


Click Here: BalitangQ in Action