Wednesday, March 30, 2011

Pagbitay sa Pilipino sa China

Makatwiran po ba talaga ang ginawang pag bitay sa mga kasamahan nating Pilipino na nahatulan ng pagbitay sa China. Nakakalungkot pong isipin na sa ganitong paraan humantong ang buhay ng tatlo natin kababayan na nagbabakasakali ng magandang buhay sa Labas ng Bansa. Hindi ko naman alam ang buong istorya at kwento ng tatlong pilipino pero ganun lang kadali ang naging desisyon ng pamahalaan ng China na bitayin ang ating mga kababayan. Kung tutuusin mas maraming mga banyagang nakarating sa Pilipinas ang nahulihan din ng mga ipinagbabawal na gamot ngunit anu na ba ang nangyari sa kanila. Wala atang akong nabalitaan na binitay sa atin na banyagan nahulihan ng ipinagbabawal na gamot. Marami ang nasaktan kabilang na ang mga mahal sa buhay na umaaasa sa kanila, Maging leksiyon po sana sa atin ang ganitong pangyayari upang maiwasan po natin ang pangyayaring ito. Ang Ipinagbabawal  na Droga ang sumisira sa atin kaya tigilan na po natin ang ganitong gawain.

ito po ang update ng Pagbitay sa tatlong Pilipino sa CHINA