Wednesday, November 17, 2010

Wikang Arabo Part 1

Heto naman at nagsasalita ako sa inyo para ibahagi ang kwento na nalaman ko dito habang nandito ako sa bansang kinalalagyan ko. Alam ba ninyo na ang pinaka importanteng mapag aralan ng mga kababayan natin nais makarating ng gitnang silangan ay wikang arabo. Ako bilang isang Ahente kailangan ko matutuhan ang salitang Arabo dahil kailangan ko makipag usap sa mga taong ma-impluwensya sa bansang pinuntahan ko. sabi nga sa akin nung nakilala ko Kung ikaw ay natuto ng salitang arabo malamang isa ka sa pinaka swerteng nilalang sa gitnang silangan dahil ikaw na mismo ang kukuhain ng mga malalaking kumpanya na nagtatayo dito at syempre kasabay na yun ng malaking sweldo. Tulad na lang ng nakilala ko sa  isang Technical School. Isa siya sa may pinaka-mataas na posisyon sa paaralan iyon at dahil na rin sa turo niya sa akin na habang nandito daw po ako sa Qatar ay pag aralan ko angsalitang Arabic dahil iyon daw ang magiging susi ko para makamit ang aking inaasam na tagumpay dito sa gitnang silangan. Kaya naman sa payo niya sa akin kailangan ko talaga matutuhan ang salitang arabo kahit hirap ako mag sa-ulo ng mga salita dahil iyon ang pinaka ayaw ko na gawin. karamihan kasi sa mga nasa mataas na posisyon dito ay marunong magasalita at mag basa ng arabic. kaya naman heto ako at panay ang basa ng mga wikang arabo. Ito ang ilan sa mga ibabahagi ko sa inyo:



Alphabeto
Magandang Umaga - Sabah al kheer         Problema - moskela 
Magandang Gabi - Masaa al kheer            walang Problema - Laa Moskela
Salamat - Shokran                                 Hindi ko alam -  La a ref
Your welcome - al-Afw                           Good - Jayed
paalam - Ma'a salama                            Yes - Na'am           No - La a

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW