Monday, September 20, 2010

Nakakabwisit

Anu ba yan tambak na naman ako ng trabaho, Masyadong mautos pa yung mga kasama ko akala mo sila yung may ari ng kumpanya na pinapasukan ko. Ang daming pinapagawa kulang naman yung pinapasweldo sa amin! Puro na lang give wala naman ma-take hay ang buhayOFW talaga ang daming nakakabwisit. Gusto pa nila magawa agad ang trabaho ng mabilisan anu ko si "SUPERMAN". 


Sabi ng isang nakilala ko dito sa Qatar, Bago sila nag napunta dito ay waiter ang inaaplayan nila sa PILIPINAS at gumastos sila ng mahigit sa tatlongpung libo piso (30,000pesos) bago pa sila naka alis ng bansa. Pagdating dito puro hay naku ang naririnig ko sabi niya sa akin tagalinis ng sasakyan at taga gawa ng chai(Lipton tea) ang naging trabaho ko. Sabi ko sa kanya Brother konting tiis lang kasi maganda pa ang nangyari sayo, May mga nakilala ako na mas masahol pa ang nangyari sayo dahil naloko lang sila ng employer(AGENCY) niya sa PILIPINAS. Kaya maswerte ka pa rin dahil hindi delay ang sweldo mo at pinapasweldo sa tamang oras. Kapag delay ang sweldo mo dyan ka (MABWISIT). Konting tiis lang dahil para naman sa pamilya mo ang ginagawa mo di ba at nagpunta ka dito para magtrabaho at kumita ng pera. Lahat tayo may mga nararamdaman KABWISITAN pero nasayo na iyon kung magpapa-apekto ka. Masaya pa nga dapat ang maging feeling mo dahil napunta ka sa magandang kompanya at hindi basta-basta lang. Marami sa ating mga OFW ang nakakaramdam ng ganyang feeling's kaya wag kana ma BWISIT ang isipin mo na lang magandang kinabukasan ang ibibigay mo sa mga anak at asawa. Konting Tiis lang Brother at ikaw din ang benifited ng lahat ng ginagawa mo. Sana mabasa mo ang ginawa kong mensahe para sa inyo.........Cheery CARS

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW