Sunday, June 20, 2021

Happy Father's Day - Buhay OFW

 


Happy Father Quote

"A Father's that far away from his Families to work overseas is one of the best gift to their family to provide their needs" - apflores03

Bilang isang OFW na halos isang dekada na nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang sakripisyo ng mga Ama ng tahanan ay hindi matatawaran ng kahit na sino at ano pa man. Napakahirap ang malayo sa ating pamilya dahil hindi natin nakikitang lumalaki at nagkakaisip ang ating mga anak. Totoo nga ang kasabihan na kapag ang isang Ama ng tahanan ay nasa ibang bansa para sa kanilang pamilya ay itinuturing itong isang BAYANI. Iyan ang dahilan bakit ang mga OFW ay isang tunay na bayani ng sambayanan Pilipinas.

Maraming problema at pagsubok ang nangyari sa mga OFW at ang iba pa nga ay dito na nanirahan ng halos taon ng kanilang buhay. Maraming akong kakilala at naging kaibigan na halos buong buhay nila ay nasa ibang bansa. Nakita ko din ang kaginhawaan nang kanila pamilya dahil nga sa pagpupursige ng kanilang mga Ama ng tahanan. Kaya sa araw na ito binabati ko ang lahat ng mga Ama ng tahanan ng isang maligayang pagdiriwang ng "Happy Father's Day". 

Isang pagsaludo ang aking ibibigay sa lahat ng mga OFW na patuloy na nagsasakripisyo para sa kanilang mga pamilya. Mabuhay po kayong lahat mga OFW Father's all over the world.

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW